Thursday, September 9, 2010

ANG BADTRIP NA PUSA MO



Badtrip!!! Asar na gabi to oh, ang lamig-lamig, di tuloy ako makatolug ang lakas kasi ng ulan. Pero hindi naman talaga iyon ang ikinababadtrip ko eh. Sa mga ganitong malakas kasi ang ulan, E sigurado pa sa pagsikat ng araw bukas na may tutulo nanaman sa kisame ng kwarto ko. Kakamot-kamot ulo akong bumangon dahil ang kaasaran kasi na iyon ay manganganak pa ng isa pang kabadtripan. Mantakin mo naman kasing parang may bathala ng butas na bubong ang nagkokontrol sa mga tulo ng kwarto ko.Daig pa nito ang mga taong labas (NPA = No Permanent Address) kung mag palipat-lipat sila ng pwesto. Nung una iisa lang sya, tapos naging dalawa sila,naging tatlo,lima,pito na sila. Note: Mapapansing ginamitan ko sila ng mga pang halip panao na "sya" at "sila". Sapagkat parang may sariling buhay at pagiisip ang mga ito. Kung minsan kasi na kung akala mong naitapat mo na ang mga balde,tupperware, kasirola,lata o arinolang pangsahod mo at akala mong pwede kanang makatulog, ay sya namang paglipat ng pwesto ng mga ito. At kung minsan ay parang nananadya pa ang mga ito at sa mismong ulo mo papatak. Lalamukusin ang muka ng may pagkainis (facepalm) at padabog na babangon. Lubhang napakarami na ng mga kalaban kapitan, ang pagbibiro ko sa sarili sa pamamagitan ng isip. ABANDON SHIP!!! Utos ng kapitan. Lalabas ng kwarto ng may bitbit na salbabida este unan at kumot. Sa sala nanaman ako matutulog badtrip!!! Pero ok na rin un. Mag cocomputer nalang muna ako. AYAY CAPTAIN!!! (sagot ni spongebob sa capitan) sabay saludo.

Oh bakit ka may dalang unan at kumot? May mga tulo parin ba sa kisame ng kwarto mo? Si ermat pala nagtatanong.  Opo eh, mas lumala pa ata, may pagkagulat kong sagot. Badtrip saisip-isp ko, hindi pa pala ako makakagamit ng computer gising pa si ermats. Gising pa kasi sya sa mga ganitong oras kahit medyo malalim na ang gabi. Nanonood pa kasi sya ng mga walang kamatayang telenovela sa TV. Hayysss!!! lintik din naman ang mga programang yun ngayon sa telebisyon, ang habahaba ng oras nila sa ere. Sobrang habang oras ng kabaduyan at kawalang kwentahan. E halos pare-pareho lang naman ang tema ng mga ito, Kung hindi Pantaseryeng mula sa lumang komiks, E mga Koreanovelang nilagyan ng boses sa tagalog. Pero teka, may mga nabago na nga pala sa mga iyon. Dahil mismong artistang pinoy na ang mga gumaganap sa mga Singkitnovelang ginawan ng Pinoy version. Hayyy originality, kelan kaba makikilala ng mga pinoy. Bilib din naman ako sa mga himpilang nagpapalabas ng mga ito, sa panggagayang ginagawa nila ay daig pa nila ang mga nagbebenta ng pireted DVD sa tower recto at cariedo.

DVD vendor: Dibide,dibide
       
           Buyer: Malinaw ba yan pre? 

DVD vendor: Opo Ser, original copy yan eh.

*ORIGINAL*

Ganun ba? sya sige tatapusin ko muna itong pinapanood kong telenovela at ang ganda kasi, Inagaw na kasi ni RUBI si Jhonny kay Jenny, ayan tuloy at nagalit si DARNA kay AGUA. Promise anak pwede kanang matulog pagkatapos nito.




Hindi ba't sabi ng karpinterong nagpalit ng yero nating nung nakaraan ay babalikan nya ang mga tulo sa kwarto mo para ayusing muli? Si ermats uli nagtatanong ukol dun sa karpinterong sablay na gumawa sa bubong namin. Ay opo ma, hindi pa nya binabalikam eh, baka busy pa sya. malumanay kong tugon para hindi na humaba ang usapan tungkol sa nasabing karpintero at ma highblood pa si ermats. Medyo mabilis na kasi uminit ang ulo ni ermats ngayon dala ng katandaan. Baka naman may umaakayat parin diyan sa bubong natin mula sa kapitbahay kaya lalung lumala ang tulo sa kwerto mo? Ang medyo mataas na boses na tonong ni ermats. Nagkasagutan na kasi sila ng kapit bahay naming mayanam dyan sa kabila na mismong katabi lang ng aming bahay. Yun nga lang at dalawang palapag ang kanilang tahanan, samantalang ang amin ay isa lang. Malimit kasi nilang apakan ang bubong ng aming bahay ng walang paalam sa tuwing magsasampay sila ng mga damit sa terrace nila. Dito ay literal na kinakasangkapan at tinatapakan ng mayaman ang mahirap. Ang buhay nga naman oo. Nuong una, inakala kong naglalampungang pusa lamang ang kumakalabog sa aming bubong.Ngunit bigla kong naisip, sino ba namang mga kamaganak
ni Felix d'cat at hello kitty ang mag a-eyeball at gagarahe sa katirikan ng katanghalian. Ang alam ko kasi sa gabi lagi ang date ng mga kaliga ni Sylvestre. Ito ang nag-udyok sa akin upang labasin at imbestigahan ang eksena sa aming bubungan. Howlie Syeettt!!! Pussycat doll, Pusa nga!!! Hello kitty na daster suot ng kababata ko habang nagsasampay ng kanyang uneporme. "Aytot aysi a putikat" sa isip-isip ko. At dahil nga ang object ay elivated mula sa viewer, ay pwede kanang mag isip ng kulay. Kulay berde, malamang kulay berde na ang pagiisip mo ngayon. Tirik ang mata sa katirikan ng araw. Sa pangyayaring ito ay napatunayan kong mali pala ang kasabihang "Ang buhay ay parang gulong, Minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim." Minsan pala ay parang gusto mong barilin ang gulong para mapflat ito at nasa ilalim kanalang lagi. Ma, pusa nalang po talaga ang umaakyat ngayon sa bobung natin promizzz. (habang nakaposing na parang nagpapapicture na haponesa. naka peace sign malapit sa muka)

Wednesday, September 1, 2010

Sa pagtangis ng langit


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasan ang pananabik.

Sa lamig ng paligid, 
ay wala kang alpas sa mga gunitang tila hamog na humahalik sayong mga bisig.
yakap sa sarili ang magpapanatag ng mga ito.

Sa musikang dulot ng mga patak ng ulan at mga tilamsik na likha nito,
ay di maaaring alisin sa isip ang luha. Guguhit ito pababa sa mga dahon at mababasag sa bato.
Marahang itataas ang balikat na may manggas, upang idampi sa pisnging tubigan.


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasan ang galit.

Sa paminsan-minsang pagliwanag ng kalangitan at pagputi ng paligid sa kisap mata,
tila isang balik tanaw sa litrato ng nakaraang negatibo,
Isang pikit sa tagpong sumilaw at bumulag .


Sa kabang dulot ng dagundong ng kalawakan,
wari'y mga malulutong na mura at sumpa,
agresibong panggising sa kahapong tahimik at bingi sa katotohanan.


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasang umasa.

Sa bawat sagitsit ng nagngangalit na hangin,
ay siyang kalas ng mga dahong tanda ng nakalipas. 
ilalayo hanggang sa hindi tanaw ng isipan.

Sa dilim ng kalangitan dulot ng kumpol ng mga ulap na yumayakap sa buwan,
pahiwatig sa bawat balakid na halos sumabog sa dibdib.
Isang malalim na buntong hininga ng pagpapalaya at kapanatagan.

Urbankuneho
Sept. 2, 2010