Sunday, August 26, 2012

Nilamon ng Sistema






















Nawala na ang dating
makulit na takbo ng isip
at magagandang mga panaginip

Naglaho na ang mga makukulay na Ideya
at di na mahuhukay sa alaala

Ginunaw na ng panahon 
ang mga laman ng isipan na
dati'y malinaw ngayon'y Natunaw

Iginapos hangang sa tuluyang maupos
ang kalayaan na dati ay puspos at taos
Ngunit ngayon ay naubos

Tuluyan nang tinangay ng hangin
ang mga Sariling gawi
at malayang pagsuri


Nasaan na nga ba?
Napano na nga ba?
Sino ang may gawa?
Sino ang may sala?

Napakaraming katanungan
Nag-ugat sa kalituhan
Mahirap malaman ang kahihinatnan

Kaya't di na ninais na magtanong pa
Kung sinong may Mali at
Kung sinong may Tama
O kung may ipanaglalaban pa nga ba?
Pagkat ako'y NILAMON NA NG SISTEMA







Urbankuneho 8/26/12

Untitled


Pasensya na
Di kasi uso sakin ang salitang "USO"
Di agad sumasang ayon sa naaayon sa panahon
Salungat sa agos
At di nagpapatangay sa daloy
walang pakialam sa mga mahilig makialam

Pasensya na
Pagkat ako'y Isang "INDIBIDWAL"
Na nagmamasid, nanonood
pero di agad nagpapaanod
Nakatanaw, nakikinig
ngunit di dagliang papanig
nakatingin, nagbabasa
ngunit di nagpapadikta sa tinta
Nakakaramdam ng sakit
subalit mas pinipiling pumikit
at namnamin ang pait

Pasenya na
pagkat ako'y isang "TAO"
May sariling sayaw, sariling galaw
May sariling Tugtog at musika
May sariling Boses at Pag iisip..

Di ko sinasabing ako'y "NAIIBA"
Gamitin ang kalayaang "PUMUNA"