Saturday, May 25, 2013

Nahuhulog.. (flash fiction)


aaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh....wuhhoooooooooooooooooooohh....
malakas na sigaw ng isang lalaki matapos tumalon mula sa isang eroplano.

Isang mabilis na patihulog.
ibang klaseng kasiyahan ang dulot nito sa kanya.
pakiramdam ng paglipad, nakadipa at hawak kamay ang hangin.
May buong layang igalaw at ipaling ang paningin sa magagandang tanawin.
Buong laya din nyang damhin at namnamin ang malakas ngunit puro't malinis na hangin.
Hindi niya halos binibitiwan at buong ingat na hinahawakan ang isang taling gamit upang 
ano mang oras na baltakin ay bubuka ang kanyang pakpak.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Ganoon nalamang din kabilis ang pag iba at pagsama ng kanyang pakiramdam.
pagkahilo, panglalabo ng paningin, at paghirap sa paghinga.
Pakiramdam ng pagod at pagkatuod, paninigas ng mga kalamnan.
Hindi na malinaw ang kaninang mga magagandang mga tanawin.
tila nasasakal sa hanging malakas na humahampas sa kangyang mukha.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Sa kanyang kalagayan, pagkalito at takot sa sarili ang nangingibabaw.
Mabilis na nanumbalik ang mga problema at mga masasamang mga karanasan.
Saan man sya lumingon ngayon ay ang mga multo ng nakaraan ang kanyang nagugunita.
Pagkabaon sa utang, problema sa pamilya, sa kaibigan ang ilan sa mga bumabagabag sa kanya.
Gulong gulo na ang isip nya, Sa kanyang kasalukuyang anyo ay mababanaag ang kawalan ng gana at pag asa,
at ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa tali ay bahagya nang lumuluwag.
Ilang saglit pa ay gusto na nyang magpaubaya. tinalo na sya ng problema.
Tuluyan at buong laya na nyang pinakawalan ang tali ng kanyang buhay.
At nawalan na sya ng malay.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Isang malakas at malamig na hangin ang ngayon ay humahampas sa kanyang mga pisngi.
Ang kaninang sama ng pakiramdam ay munting naibsan. 
Bahagyang napadilat upang tumanaw ng konting liwanag.
Isang batang babae ang kanyang naaninag sa di kalayuan.
Isang tinig ng babae ang kanyang naulinigan. Binibihisan ng babae ang bata para pumasok sa paaralan,
Larawan ng isang masayang pamilya ang kanyang nasaksihan.
Sa di kalayuan, may nabanaag siyang isang grupo ng mga kabaataang nagkakasayahan, Ang ilan ay panay pa ang kaway sa kanya, habang ang iba ay harutan at hagikhikan ang pinagkakaabalahan, ang isa ay nag muwestra pa ng pag abot ng isang basong serbesa. Isang maligayang samahan ang kanyang namasdan.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Pakiramdam ng bagong pag asa ang tumaas sa kanyang kaibuturan.
Ibang klaseng gana ngayon ang kanyang nararamdaman at nanumbalik muli sa kanya ang kalayaan.
Sa patuloy na paglapit sa lupa ay sa magagandang larawan ng mga pangyayari nalang nakatali ang ang kanyang paningin. May ngiti nyang sinabi sa sarili na kailangang magpakatatag para sa Pamilya't mga mahal sa buhay.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Mataas ang moral at mabilis din ang kanyang paghagilap sa kaninang munting taling pinagpaubayaan ng kanyang malaking buhay.
Kinapa sa likod, sa gilid, sa taas at sa baba ngunit wala.
palapit na ng palipit sa lupa.
patuloy ang kanyang pag kapa.
palapit na ng palipit sa lupa.
Nagsimula na syang magpanic.
Bumalik nanaman ang lahat ng kanyang mga naisip kanina ngunit may pagka mabilis ito na parang isang pilikulang niRewind. Hangang sa bumalik sa isang eksena ng buhay nyang wala pa syang problema, maaliwalas pa ang lahat, masayang namumuhay at nasaayos pa ang lahat. Nagsulputan na ang mga tanong sa sarili, na kung saan nga ba sya nagkamali? at ano nga ba ang naging kasalanan nya? Tumulo nalang ang mga luha sa kanyang mga Mata, Dasal at paghingi nalang ng tawad ang kanyang nabanggit. Sana Panaginip lang ang lahat sa isip isip nya.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
malakas na kalabog at sakit ng likod ang kanyang sabay na narinig at narandaman.
natauhan syang kaharap ang kanyang anak na tumatawa sa kanyang harapan,
hihihihihi.. Si daddy nahulog sa kama. hihihihi wika nito.
May ngiti sa labi at mangilid ngilid ang luha nya itong niyakap.
Napansin nyang may nakataling Tatlong puting lobo sa kanyang kamay at nag taka.
Maya maya pa ay may kumatok at tuluyan nang pumasok ng kwarto ang kanyang asawa at nadatnang magkayakap ang mag ama. Akala ko naman kung ano yung kumalabog dito sa taas e, kayo lang palang dalawa. Muli siyang tumayo at mahigpit rin niyakap ang asawa. Napansin ng kanyang asawa ang kanyang pagtataka sa Lobong nakatali sa kanyang kamay, Pinabili ng anak mo yan kanina, Ibibigay nya daw sayo regalo daw nya dahil birthday mo. wika ng asawa. kanina kapa nga pinaglalaruan nyang anak mo at ginigising ka, Sigaw ng sigaw ng Fly daddy! Fly Daddy! Fly! wika muli ng asawa. Tena baba na tayo dun at nandun na ang mga kaibigan at mga kamaganak mo't naghihintay na, kompleto ata sila at mapapalaban ka nanaman yata ng wasakan!














Thursday, January 10, 2013

A total wreck story of a lefty wrote by a lefty, Isang wasak na kwento ng isang kaliwete sinulat ng isang kaliwete (ginoogle translate lang para magmukhang maangas)


Hihikbi-hikbi ang isang bata habang kumakain
sa harap ng hapag kainan,
mababakas sa mukha ng paslit ang pagkalito.
kapansin-pansin din ang kabagalan nito sa pagkain
at ang madalas na pagkahulog ng kanin,
pagkatapon ng sabaw at ng kung anu man ang kanyang isinusubo gamit ang kubyertos.
Pilitin man nyang gumalaw ng normal ngunit di nakikiayon ang isip sa mga kamay,
Malalim at matalim ang kanyang mga panakaw na tingin
sa isang nakatatandang babaeng nakasalamin sa kanyang harapan.
Bantay na bantay nya ang mga kilos nito at kung kailan
muling dadapo ang pitik sa kanyang mga manhid at maliliit na kamay.
Ilang saglit pa ay humirit ito ng hampas
nang pasimpleng pag palitin ang posisyon ng paslit ang mga tangan na kubyertos
Sabay ng sigaw ng;
"Lapastangan! hindi ganyan ang tamang paghawak ng mga kubyertos, isa ka talagang anak ng alipin.
Isa kang INDIO, kaya hindi kayo umuunlad
kasi hindi kayo marunong sumunod sa tama at umaayon sa trend!
Facundo! nawalan na ako ng ganang kumain,
ipatapon na ang hapag kainan, Isama mo na rin itong Bastardong ito"
Tayo sabay buklat ng abanikong tangan, paypay, snab sabay alis.. Che!!!

"Sino bang Gunggung ang nagpauso at nag set ng standard na
dapat nasa kaliwa ang tinidor at nasa kanan ang kutsara?
Bigyan ko kaya itong si Miss Tapia/ Miss Minchin/Seniora Santibanez ng killer left hook ni Paquiao?"
sa isip isip ng musmos na lalong nang liit sa mga banat ng Kontrabida Meme star.

Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kakaiba ako.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin manloloko ako.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kalaban ako ng Estado.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kakampi ako ng Dyablo.
Bakit ba halos lahat ng negatibo ay naikabit na sa kaliwa o kaliwete?

Isipin mo?
pag sinabing kaliwete manloloko na?
Pero pag sinabing kanang kamay mapagkakatiwalaan?
ang harsh ha!

Mahirap isipin na ang mundong ito ay nilikha para lang sa mga kananete,
Pero parang gusto ko na ring manilawala dito. Dahil ako mismo ay nakaranas
ng mga tagos sa butong mga puna, pagtatama, pangungutya (Direkta o hindi direkta)
Marami sa mga bagay sa mundo ay sadyang ginawa para lang sa mga kanan.

Noong Kindergarten ako halos makuba na ako sa buong taong pag gamit ng hindi naangkop
na upuan para sa mga kaliweteng estudyante. kung papansinin kasi, halos lahat ng upuan sa mga eskwelahan ay nasa gawing kanan ang sulatan (Promise kahit igoogle mo pa), ibig sabihin relax na relax makakapagsulat ang mga kananeteng estudyante at buong laya nilang maipapatong ang kanilang buong kamay sa sulatan.
Maaari pa silang pasipol-sipol na magsulat habang nakasandal ang likuran. Samantalang ako kailangan pang yumuko,tumagilid,bumalikwas, tumambling para lang makapag sulat ng maayos. Tapos aasarin kapa ng mga kaeskwela mo na ang ganda daw ng sulat ko, parang sulat babae, babaeng manok! Kung hindi pa naisipan ng magulang ko na magpasadya ng upuan mula sa west coast custom pimp my ride at dahlin sa eskwelahan e malamang naging katropa ko na mga ninja turtles at ang kampanerang kuba. teka pano nga ba natutulog ang mga kuba?

Grade one naman ng magkaroon ng school project, magdala raw ng mga lumang magazines a peryodiko.
Gumupit daw ng kahit anong bagay at idikit sa kwaderno, Gupit ng gupit dikit, walang hangang pagupit dikit. naramdaman ko nalang ang paghahapdi ng punong bahagi ng aking hinlalaki at hintuturo, hindi ko naman nagupit ang aking mga daliri, bagkus nanggaling pala ito sa hindi akmang hugis ng butas na nilulusutan ng mga daliri sa gunting. Ang gunting pala na gamit ko ay nakahulma lang para sa kanan. Awa ng Diyos umuwi ako noong puro band aid ang daliri.

Grade Six, nang nagkaroon ng program sa school,
nirequired ni P.E Teacher/Program Organizer/Choreographer na kailangan magparticipate ang lahat sa isang dance presentation sa darating na No Weed Smoking Week,(Hindi ko inimbento itong event na to promise ulit) dahil kasama ito sa final exam para sa subject nya. Sa kagustuhang makakuha ng mataas na marka at makapasa sa nasabing subject ay buong yabang akong umatend ng practice. 1,2,4,5,6,7,8,8,7,6,5,4,,,,,,,,"Hoy Mr.Ugat Puno, ganyan kaba talaga gumalaw?" lumingon sa likod, "Ikaw!" turo sa sarili "ako?".."Oo ikaw nga, baka gusto mo pa magdala ako ng Pressure cooker para lumambot ng konti ang galaw mo? Pareho bang kaliwa ang mga paa mo?" nilingon ko ang aking mga paa upang kumpirmahin kung totoo ang kanyang sinasabi ngunit nagkamali siya. Hindi man nya derektang sinabi na ang tanga ko sumayaw dahil sa kaliwete ako, ngunit nasaktan parin ako dahil sa pagkagamit ng salitang kaliwa sa negatibong puna. Bumagsak ako sa subject nya, bago ko sya pinabagsak..Mula noon sinumpa ko na ang pagsasayaw, kaya itinuon ko nalang ang aking oras sa musika sa pagtugtug ng Guitara... Guitara na nilikha rin para sa mga kananete.. Nice!

College, Pinag solve ako sa Pisara ni Mr TrigoTology (propessor sa trigonometry na scientologist daw at kung ano anong shit ang pinagtuturo samin) Sa koleheyo madalas white board at white board marker ang gamit. Sagot gamit ang kaliwang kamay sa pagsulat,
Isip ng sagot....... sulat......(nabura ang sinulat)......sulat ulit.....(nabura ang sinulat).... kahit anong sulat ay agad naman itong nabubura ng sariling kamay na pinang sulat. Ang siste'y kaliwang kamay ang ginamit panulat, mula sa kaliwa ay magsusulat papakanan, at dahil white board marker nga ang gamit at madaling mabura, ay agad na nabubura ang anu mang sinulat, Sir sorry I dont know the answer. Sabay sabi ng scientology is the answer. wasak!

Nito nalang huli ng muli kong mapatunayan na ang mundong ito ay nilikha lamang para sa mga kanan.
Kung kelan mayaman na ako at akala ko'y hindi na ako maapektohan ng hindi pagkakapatas ng mundo.
Nangyaring tinamad na ako sa kalaro ko sa chess dahil puro talo, kahit may partida na kaliwang kamay lang ang gagamitin ko hindi parin nananalo. Kaya naisipan kong maglaro ng Golf. Pumunta sa talipapa para bumili ng golf club, mantakin mo ba naman pati ba naman sa bisyo ng mga mayayaman pabor parin sa mga kanan, Nagpasadya nalang ako ng mga pamalong pang kaliwete. Ayoko sabi ko, bibili nalang ako ng baril para mag firing. Pumasyal sa maguindanao para magshoping ng baril. Inabot ng isang lalaking mukang abusayaff ang isang colt 45 na baril at pinliwanag ang mga safety features nito habang nag sasalita ito ay sige ko namang asinta sa kanya gamit ang kaliwang kamay, Nasa bandang kaliwwwwww....Booooomm!!! aaaaahhhhhh
tumumba ang lalaki na may tama ng bala sa dibdib. Ibig nya palang ipaliwanag sakin na nasa bandang kaliwa ang safety lock ng baril, At dahil ang safety lock na ito ay mahirap galiwin ng hintuturo ng katulad kong kaliwete di katulad pag nasa kanan, ay di ko agad nagawang mailock, ayun trahedya.

Nandito ako ngayon sa Bilanguan, Naghihimas ng !@##$ sa kaliwa at tissue sa kanan
sa saliw ang musika ng

Eraserheads na Kaliwete

Noong nagsama tayo
Ay kanan ang ginamit mo
Ngunit biglang natorete
Ikaw pala ay kaliwete
Sunod-sunod na kamalasan ang dumarating
Hindi ko na malaman kung pa'no ang gagawin
Sabi naman ni Rico J. Puno
Mag-ayos lang daw ng upo
Niyaya niya kami
Sa kubeta
Mata ay lumuwa sa nakita
O bakit ba ganyan
Buhay ng tao
Mag-ingat ka na lang
Baka ika'y makarma oh
Niyaya siyang lumabas kahapon ngunit ayaw niya
Hindi niya raw mahanap ang kapares ng bra niya
Sampung oras ka kung maligo
Pati ang kaluluwa mo'y babango
Niyaya niya kami sa kubeta
Mata ay lumuwa sa nakita
O bakit pa ba may kulay ang tao
Hindi mo na alam
Kung anu-ano at sino-sino
Noong nagsama tayo
Ay kanan ang ginamit mo
Ngunit biglang natorete
Ikaw pala ay kaliwete

Credits:
Kontrabida memes

Eraserheads