Gusto ko talagang mag kwento, pero anu ang inaasahan mong kwento sa isang kwentista na wala namang kakaiba sa buhay. isang under grad, O.S.Y, tambay, palamunin. in short walang kwenta.
Thursday, October 4, 2012
Mala buwis buhay na pakikibaka sa umaga
4:30 am Kring! kring! Kring!....
Lintik talagang alarm clock to, kahit kelan talaga napaka killjoy! Kung kelan naman kasi napakaganda na ng panaginip mo e sya namang pangbubulahaw nito sayo para lang paalalahanan kang gumising na't magbanat kana ng buto. (kukunin ang shotgun na nakakubli sa ilalim ng unan at papuputukan ang Cell phone na sa kasalukuyang nanggagambala sa sana'y mala paraisong panaginip)
4:35 am Tok! Tok! Tok!
"Anak gising na, 5:35 na!" Si Ermats second emotion sa bwisit na alarm clock ko. Mapapansing Advance ang oras na isisigaw nya sayo, para kung sakaling hindi mo talaga alam ang totoong oras ay talagang may pagkaranta kang babangon dahil dito. Kulang nalang ito ang sabihin nya; "Anak gising na nasusunog ang bahay natin!" O kaya "Anak gising na manganganak na ang Tatay mo!" O di naman kaya "Anak gising na nandyan na si Papa Jesus sinusundo na tayo, End of the world na daw!" Wasak! Nak ng teteng! Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit noong bata pa ako ay halos magaway din kami kapag pinipilit nya akong matulog sa tanghali, hanggang ngayon ba naman e halos isumpa mo parin sya sa pang gigising na ginagawa nya sayo ngayon.
Lamukos ng muka ng may pagkainis.
"Opo gising na po, nag iin-in lang ng konti babangon na rin po!" sagot ko, biglang dapa, baltak ng kumot, patung ng unan sa likod ng ulo, pikit sabay dasal sa mga bathala ng mga ilusyon na manunbalik sana ang kaninang panaginip na pinutol ng isang bagay na kalaban ng ating henerasyon sa umaga ang "Alarm Clock"
4:45 am Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!....
Heto nanaman sya, hindi ka talaga titigilan. Parang isang programa sa telebisyon ng isang sikat na news caster at komentarista sa radyo na may hasyenda ng plema sa lalamunan at pirming nasasamid, pero hindi naman nakakaligtang magpasin tabi, "Excuse me po!". Ito ang Imbalsamador "Hindi ka namin Tatantanan".
Nagamit ko na ang isang life line ko,
patuloy ang pag tunog at nginig ng Alarm clock sa harap ko.
Hihirit paba ako ng isa o susuko na,
panu ang di pa nahuhukay na panaginip?
Anouncer: Anung diskarte mo?
Esep,Esep.. 5seconds 4... 3... 2... 1
Anong disisyon mo?
Deal or no deal?
is that your final answer?
Ako: gagamit pa ako ng isa pang life line, thats my final answer.
Tutunog ang malakas na sounds at magliliwanag ang paligid sa kisap mata't didilim sabay tatahimik,
Pikit sabay hilik ulit.
4:55 am Tooottottottottotootototoot!
Maaalimpungatan, Ikikilos ng dahan dahan ang mga kamay patungo kung saan. kahit madilim ang kwarto ay otomatiko paring matutunton ng mga kamay ang kinalalagyan ng bagay na tumutunog. Ang mas nakakabilib pa rito ay kung paano naisasakto ng mga inaantok pang mga daliri na mapindot ang isang botton kahit nakapikit. Ang Botton palang ito ay tinatawag na "Snooze botton".
Snooze - A short, light sleep, esp. during the day; a nap. (hindi ko ginoogle yan promise). Hindi ko alam kung may bato balani (magnet) ba ang botton na ito o sadyang may manamumuong mutwal na ugnayan o pag ibig ang nasabing botton at ng aking daliri. Teka speaking of pag ibig, Tip: wag kang maniwala sa manliligaw o maging sa syota mo pag sinabi nyang mukha mo ang unang nakikita nya at ikaw ang unang naiisip nya unang bagay sa umaga. Pucha! Pusta ko ang unan kong amoy laway at gulagulanit kong kumot, Ginogoyo kalang nun dahil "Snooze botton" lang ang una nyang nakikita at ang patahimikin ito sa pamamagitan ng pagfinger dito ang una nyang naiisip first thing in the morning. Papaling muli sa isang komportableng posisyon, sabay balikwas ng tulog..zZZzZZzzZZ
5:05 am ♪ ♫ ♬ Opa gangnam style ♪ ♫ ♬
Tangina this! panu naging ganito ang alert tone ng alarm ko. Nak ng teteng!
Wala parin sa wisho, pakiramdam ko'y kaya pang humirit.
Pindot ulit sa aking kaibigang nagbibigay ng panandaliang kaligayahan.
Scene: Nasa isang Spa / massage parlor, Medyo mausok ang lugar, hindi halos makaaninag sa may kakapalang hamog. Nakadapa sa isang komportableng kama ng walang saplot, natatakpan lang ng puting puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Mula sa langitngit ng pintuan sa kalayuan ay may nabakas na liwanag, ilang saglit lang ay may isang anino ang bumungad, sa kapal ng hamog ay medyo malabo ang hitsura ng bagay mula sa malayo. Naglakad papalapit ang anino patungo sa aking kinalalagyan, dahan dahan. Dahan dahan din itong nagkakaroon ng hugis, higis ng isang babae na sa mga videoke machine o sa isang fashion show mo lang kadalasang makikita. Ilang metro na ang kanyang nalakbay nang bigla syang huminto at tila nang aakit. Walang limang segundo ay nagpatuloy sya muling lumakad sa aking direksyon. Sa mga panahon yon ay medyo pawisan na ang hindi magkandatuto kong katawan. Makailang hakbang pa sa bigla pagkagulat na ang isang anino'y naging dalawa. Sa pagkabigla'y bigla rin ako napa balikwas at tila may nahulog na bagay sa aking tagiliran, hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa panonood sa mga nilalang nang may pagkasabik. Lunok ng laway at nagpunas ng pawis sa bandang noo. maya maya lang ay nasa tabi na ng kama ang dalawang anghel. Pinaikot-ikutan ako ng dalawa. Ang isa ay may hawak na balahibong puti na paminsan-minsan ay pinasasayad sa pawisan kong katawan, at ang isa nama'y may dalang langis at nagsimula nang pahiran ang aking mga pagod na binti. Patuloy ang pag pahid ng lana at pagdampi ng puti balahibo sa aking katawan ng dalawa, Nang biglang sa kaninang liwanag na pinanggalingan ng dalawa'y muling may nabakas. hindi ko na ito masyadong pinansin, Kung ito'y pangatlong anghel na lalapit sakin ay hindi ko na pinagkaabalahan, sa isip isip ko'y isa nga lang ay solb na. Nagpatuloy sila sa kanilang mga ginagawa, ang isa'y patuloy napapalapit sa akin. Maya maya lang ay nakalapit na ang pangatlong langit, Sa kalapitan ay mababakas na hindi ito kamukha ng mga anghel kanina. Sa pagkakangalay sa pagkakadapa at sa kagustuhan ding makita ang hitsura ng aking 3 bagong kaibigan ay dahan dahan akong pumaling papahiga. Dahan dahan ang aking ikot para humiga. Maya maya ay ang tatlo'y biglang nagvolt-in naging isang Malaking babae sabay sigaw at sampal sa aking pisnge...
6:00 am Hoy!!! Punyeta ka!!! Papasok kaba?!!! Gumising kana late kana naman sa trabaho mo! Alas 6 na!!!
Matataranta at hahanapin ang cellphone para tingnan ang tamang oras, pero hindi nya ito makita sa kanyang kama.
Ayun sa sahig!!! sigaw muli nito.
Kamut ulo.. ito pala yung kaninang bagay na tila nahulog pagbalikwas ko kanina. Pulot ng hiwa-hiwalay na telepono, kabit ng nakabaklas na baterya pindot ng power botton, HOMAYGAD!!! Alas 6 na nga. Dali dali bumangon sabay bihis.. walang ligo, mumog hilamos lang.. Ika nga sa kanta ng napakabangis na bandang Giniling Festival..
♪ ♫ ♬Ang hari ng metal ay hindi naliligo♪ ♫ ♬
6:05 am Labas ng bahay pasok sa trabaho.. "Magsi tabi kayo dadaan ang hari ng Metal"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment