Wednesday, August 11, 2010

deliryo

San ka galing?

Doon sa tambakan, nangalakal.

Marami kaba nakalakal?

Kakaonti lang, abot dalawampung piso lang. Ang lalakas kasi mang "backs out" ng mga matatanda doon eh. Pero ayus lang yun may bukas pa naman. Hindi pa nga ako nag aalmusal at nananghalian, mejo nahihilo na nga ako eh.

Bakit hindi ka naman kumain kanina?

Sunod sunod kasi yung dating ng track sa tambakan eh, kung kakain pa ako malamang wala na akong maabutan doon. Sayang naman, Ang dami na rin kasi nangangalakal ngayon.

Wala bang pag kain jan sa hapag nyo?

Wala eh, panis na kanin mula kagabi lang ang laman ng kaldero, mamaya ibibigay ko nalang yun kay aling delya pang pakain sa baboy nila.

Hindi ba nag luto ang Ate mo?

Naku hindi mo yun maasahang mag luto, puyat kasi yun galing sa trabaho nya sa club. At kung magluluto man yun, para sa kanila lang ng asawa nyang tulak ng marijauna at shabu dito samin. Minsan nga hindi na ako makapanglakal, kasi sakin pa pinapabantay yung mga anak nilang sila chuchay at bugoy. 

Eh kamusta naman pala ang kuya mo ngayon?

Si kuya? Ayun, hindi parin nakakalaya. nakulong kasi sya nung agawin daw nya yung bag ng studyanteng nakaputi dyan sa overpass ng Litex. Bugbog sarado na nga  sya ng taong bayan nung nacorner sya sa may manggahan nun, binugbog pa daw sya ng mga pulis sa stasyon nila. minsan dumadaan ako dun pagkagaling ko sa tambakan, pagkain na agad ang binibigay ko sa kanya, kasi minsan daw pag pera ang binigay mo ay kukunin lang ng mga Pulis yun.


Eh ikaw, bakit hindi ka ba nag aaral?

Grade 2 na sana ako sa pasukan , pero sabi kasi ni nanay, hindi naman na daw kailangang ng deploma para malaman ang pagkakaiba ng bakal sa plastik at tanso sa aluminum. Tapos paglaki ko naman daw pagtitinda lang din ng droga ang magiging trabaho ko tama na daw yung marunong ako magdagdag at magbawas. kaya pinahinto na nya ako sa pag aaral.

Ganun ba? Tara laro muna tayo sa labas. Para sumaya ka naman kahit konti.

Ayoko. baka walang maabutang tao dito si nanay eh. magagalit yun.

Hindi magagalit yun. minsan ka lang naman mag sasaya eh. maiiintindihan niya yan.

Ayoko baka bugbugin nanaman ako nun. Hindi pa nga gumagaling yung paso ng plantsa at latay ng tambo sa likod ko eh, baka madagdagan nanaman. Pero ayus lang yun, kasalanan ko rin naman kaya ako sinaktan ng nanay. lilimang piso lang kasi ang nabigay ko sa kanya na pinagbentahan ng kalakal. Mejo sumakit kasi yung tiyan ko nung kinain ko yung pagkaing nakakal ko sa tambakan,
ayan tuloy nag tae at na suka ako kaya hindi ako masyado nakapangalakal ng maayus.

Sige na dyan lang naman tayo sa tapat marlalaro eh. hindi magagalit yun.

Ayaw ko ikaw nalang. Sige na mag sasaing pa ako ng kanin  para pag dating ng nanay ay may makakain na agad sya pagkagaling sa sugalan.

HOYY!!! PUTANG INA KANG BATA KA!!! tumayo kanga dyan. sino kausap mo? nagdodoroga ka na rin ba?
Nagsaing ka naba??
Magkano kinita mo sa pangangalakal? Akin na nga at nang makabawi ako dun sa mga putang inang mga kalaban ko, mga mandarambong ata yung mga yun. Bilisan mo't ihanda mo ang mga parapernalya ng droga dyan at nanjan si kadyo gagamit daw sila ng mga tropa nya, pag silbihan mo sila ng maayos at baka hindi na sila dito pumuwesto. malilintikan ka sakin. 

Papungas-pungas na bumangon ang bata para iabot ang pera sa ina at mag silbi sa mga parokyano ng droga sa kanilang bahay.

Sunday, August 8, 2010

Ang Pakikipagsapalaran ni Ninja Coollero. (unang bahagi)

Bumangon kana nga diyan coollero at mag sanay kana sa gubat, para hindi ka naman pasablay sablay sa mga ginagawa mo. Wika ng Inang nya. Nak ng teteng naman o ganda ganda ng panaginip ko eh, storbo naman kayo. Nananaginip ng dalawang babae raw ang kasama ko sa isang motor hotel sa dulo ng Edsa, at biglang may kumakatok sa pinto ng silid at ang sabi ay "extend pa po? may nabawas ba sa ref?" ang ina ko na pala ang naririnig kong kumakatok badtrip naman o. Opo babangon na po. tugon ni Coollero. "Bago ka nga pala tumuloy sa pag eensayo mo e idaan mo muna itong sisidlan ng pag kain ng ama mo sa parang, malamang gutom na yun at wala pang almusal un". "Opo ipatong nyo nalang po sa aking mga gamit", tugon ni coollero habang nag hihilamos. Lintik naman o ayaw ko naman talagang maging ninja e pilit kasi ng pilit itong erpats kong frustrated ninja, kung hindi lang dahil sa nandun ang kababata kong si Hiwa ay hindi ako pag aaksayahang ng pagod ang pagiging ninja. Mas masarap pang mamitas ng bayabas o kaya mag facebook at mag dota o mag plants vs zombies nalang. "Ina aalis na po ako". "Mag iingat ka anak ha. galingan mo sa pag eensayo para matuwa naman ang ama mo sayo". Kamot ulo lang ang huling nagawa niya habang papalayo sa ina.

Maganda ang ngiti ng haring araw nang umagang yaon. Subalit malayo-layo rin ang gubat mula sa bahay nila, kaya kada umagang may ensayo sya ay kunut noo at simangot lagi ang mababanaag sa kanyang muka. Mas domoble kasi ang pasakit nya ngayon dahil kailangan pa niyang ihatid sa ama nya ang pagkain nito. mga ilang kilometro rin ang layo nito hanggang gubat. Ilang kilometro mula sa kanilang tahanan ay may madadaanang syang isang talon at batis. Dito sila madalas mag laro noon ng kababata nyang si Hiwa, pero hindi na ngaun. sapagkat halos matuyo na ang batis at talon na iyon. sabi kasi ng mga matatanda sa kanilang lugar ay napapa ilalim na daw ang nasabing talon at batis sa kapang yarihan ng isang makapangyarihang itim na ninja. Isang ninjang dati nilang kalahi, ngunit naghari ang ganid sa isipan at ninais maging mas makapangyarihan sa lahat. Taglay nito ang kapangyarihan ng kulay itim na dragon. Natamo nya ito sa pamamagitan ng pag paslang sa isang dambuhalang dragon sa malayong kanluran. Kaya ngayon ay Binansagan syang Ninja DragOn. At dahil sa kanyang matagal na pag lalakbay sa labas ng kanilang bansa, ay kakatwang hirap na mag salita ng lenggwahe nila ang nasabing itim na ninja. Nais daw nitong maghari sa payapa nilang  republika. Sabi ko naman anung pinagsasabi nyong kapangyarihan? epekto ng global warming yan mga tanga ba kayo? tapon kasi kayo ng tapon ng basura sa  mga ilog at putol ng putol ng puno para gawing sandata. yan tuloy hindi ko na makikitang naka bathing suit si hiwa ngayon. badtrip kasi kayo eh. Tototooott.

hhhwwwaaaattttaaaahhh!!! eessssshhhhh.....TSUK!!!
Isang shuriken ang muntik nang tumama sa kanyang sintido buti nalang at nailagan nya agad at napaupo sa paanan ng isang malaking puno. Nagkaroon ng hiwa ang gitnang bahgi ng kanyang buhok dahil sa shuriken na tumusok naman sa punong kinauupuan nya. Nanginginig nyang sinuri ang paligid. Ilang segundo siyang nakiramdam at hindi gumagalaw mula sa pagkakaupo. Isang pamilyar na halakhak ang kanyang narinig. tahahahahahaha!!! tawa ng isang babaeng patapon. Dito na napalagay ang kanyang loob nang malamang si Hiwa lang pala ang may kagagawan ng kanyang pagkatakot. Mula sa kakahuyan ay lumabas na si hiwa upang lumapit sa kanya. Tila isang hunyango syang nagpalit ng kulay upang makita ni Coollero. Kaw talaga Hiwa hindi ka parin nag babago, lagi mo parin ako pinaglalaruan, kamot ulong wika ni Coollero. Patuloy parin ang makapangwasak at nakakarinding tawa ng kanyang kababata habang lumalapit sa kanya. Suot nito ang paburito nitong pepe short at sandong puti na nakalaglag ang parteng balikat, at pinapakita ang strap ng kanyang bra. At dahil nga maiksi ang suot na pang ibaba ng kababata ay tanaw na tanaw niya ang peklat nitong hugis ekis sa tuhod. Natamo nya ang peklat noong bata pa sila ni coollero at naglalaro sa bayabasan, naglalaro sila noon ng bahay bahayan. Nang sinubukang pagdikitin ni Coollero ang tuhod ni Hiwa ay biglang pagdudugo naman nito, "sabi ko naman sayo eh dahan dahanin mo lang" wika noon ng kababata. Simula noon ito na ang ginagamit na pang ganti at pang patahimik kay Hiwa tuwing nag tutuksuhan ang mga ito. Naka pepe short ka nanaman, pinapakita mo nanaman yang hiwa mo. pang aasar nya sa kababatang babae habang papalapit sa kanya. kumunot ng noo ang dalaga at muli sya nitong tinira ng isang bombang kulay itim, BOOOOM!!! At dahil dito ay nagmukang uling ang pag mumuka nya dahil sa bomba. hindi na to mabiro habang uubo ubo pa syang nagsasalita. Kaw naman ang nag simula ah. mula kay coollero. Diba sabi ko sayo wag na wag mo nang titingnan ang hiwa ko. sabi ng kanyang kababata habang angat angat nya ang kwelyo nito. Nakalutang pa ang mga paa mula sa pagkakakwelyo ng kababata, habang humihingi ng tawad dito. Kaw naman HIWAGA o hindi kana mabiro,(Hiwaga nga pala ang buong pangalan ng kanyang kababata.) hindi ko na uulitin, sorry na. ang paghingi ng tawad ng ninjang sablay. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, si Hiwa habang biglang bitiw sa pagkaka angat sa kanya at sya namang pagka balibag sa kanya sa lupa una ang puwit. aruy naku po!!! Saan kaba papunta at mali ata ang daan mo? diba may ensayo tayo ngayon sa gubat? tanong ni hiwa habang naka nakatayo sa harap ni Coollero. Ahh oo habang nakayukong sumagagot sa kaibigan. Idadaan ko muna itong pagkain ng aking ama doon sa parang, habang pasulyap-sulyap sa babang bahagi ng short ng kaibigan ninja. nangingiti-ngiti sya habang ginagawa ito. Ganun ba? tena samahan na kita sa tatay mo tapos sabay na tayong pumunta sa ensayo, medyo maaga pa naman eh tsaka isa pa may pagka tanga kapa naman, baka may makasalubong kapang kampon ng makapangyarihang itim na ninja, sisihin ko pa sarili ko pag nang yari yun. Alok ng kaibigang ninja na may hiwa sa tuhod. Agad agad namang tumayo si mokong sabay sabi ng "sabi ko na ba may crush ka rin sa akin eh" nangingintab ang mata habang nakangiti sa babae. Itinaas ng dalaga ang tatlong pirasong shuriken at  binahig sa pagitan ng mga daliri upang ipang takot sa kababata, sabay tanong ng "ito gusto mo?" tinutukoy ang tatlong pirasong hugis bituin na sandata. Nangiti lang ang pilyong ninja at sabay sabing tara na nga Ninja hiwa sabay tingin sa tuhod ng dalaga. habang tatawa tawa.  Isang matulis na cobra fist ang dumapo sa noo ng kaawawang ninja na halos ikawala ng kanyang ulirat, lumakad na papalayo ang babaeng ninja habang pa ekis ekis sumunod ang mahilo hilong pobreng binata.

Pasipol-sipol na naglalakad ang sablay na ninja habang pinagmamasdan ang likod ng nauunang kababata. Ang laki  na kasi ng pinagbago ng hinsura nito. Kung dati ay malaking damit at mahabang pangbaba ang laging suot nito, Ngayon ay halos kaselanan nalang ang tinatakpan ng mga suot nito. Medyo sumisikip tuloy ang pantalon ng ninjang madumi ang isip.

"Ang ganda ng umaga no?" sabi ng dalagang nasa harap nya.

"Aaahhh ehh... mas maganda kapa sa umaga. may halong pangbobola nitong sagot.

Hindi ito pinansin ng kaibigang dalaga bagkus ay pumitas ito ng isang bulaklak sa gilid ng kanilang dinadaanan. Hinawi nito ang kanyang buhok sa bandang tenga at isinabit ang bulaklak na pinitas. Pinaling din ng dalaga ang kanyang lagpas balikat ng buhok papunta sa kanang bahagi paharap.
Nagbigay daan ito para masilayan ng binata ang maputing batok at medyo palalim ng likod ng kababata. Mamula mulang pinag mamasdan ng binata ang dalaga, Paminsan ay pinapasok ng binata ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon na parang may inaayos. Malayo layo na rin ang kanilang nalalakad nang muling mag salita ang dalaga.

"Alam mo maswerte ka". tinutukoy ng dalaga ang binata.
"Kumpleto ang pamilya mo at mahal na mahal ka nga mga magulang mo" kasunod na wika nito.
"Samantalang ako ito, walang magulang  patapon, pasalamat na nga lang ako at naging ninja ako, at kahit papaano eh nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko". Medyo madramang sentimiento ng kaibigan.

Hindi kaagad nakasagot ang lalaking ninja ninjahan. At tila tinamaan sa mga sinabi kaibigan. Ilang minutong umaalon sa isipan nya ang mga narinig. Saglit pa ay naalala nya ang mga paghihirap ng kanyang mga magulang sa kanya. Naalala nya  ang kwento ng kanyang mga magulang na hindi nya pag bitaw sa kanya nung sanggol pa lamang sya, habang ang kanyang ama naman eh nakikipag tuos sa mga kampon ni Kadyo na sumakop sa kanilang baryo noon. Si kadyo ay isang makapangyarihang demonyo na pinaniniwalaang kanang kamay ni Sta.NAS. Marami ang nasawi sa nasabing pag atake. kasama na rito ang mga magulang ni Hiwa.

Huminga ng malalim ang bogus na ninja...

I love my Mom and Dad... ang bulong ng mokong habang tulala at parang sinasaniban ng kung anung mabuting espirito...

Isang napakalupit na "one inch punch" mula kay Hiwaga ang dumapo sa kanyang dibdib na nagpabalik sa kanya sa tamang wisyo. "Puro ka kalokohan bilisan mo na nga sa pag lalakad medyo nahuhuli na tayo sa oras". pasigaw na sambit ng ninjang may pagkaEMO kanina.


Bago pa man makarating ang magkaibigan sa parang kung saan naroon ang ama ni ninja Coollero, ay may nadaanan silang isang lalaki na nakabihis pang ninja. may kababaan ang lalaki at may pagkabilugan ang katawan. Nakasalamin ito ng medyo makapal at may boses na pabulong na malamang ay ikahuhulog ng panty ng mga kababaihan. May grupo ng mga tao ang nag nakikinig sa kanyang mga sermon. Ang sermon nya ay tungkol sa kung paano magiging masaya ang buhay ng isang Ninja. Ito ang ilan sa mga nakasulat sa harap ng mga mga tao. 

1. Lower your standards.

2. Don't be yourself, become someone else.

3. Stop dreaming.

4. Don't fall in love, because it HURTS

5. Less talking, less fighting.

6. Try to buy happiness.


"Halika na nga mokong ka mahuhuli na tayo sa ating pagsasanay". Hinila ng dalaga ang braso ng kanyang kaibigan na halos hihiwalay sa katawan para mag patuloy na sa Parang papunta sa kanyang ama. "Bitiwan mo nga ang braso ko, nakakatsansing kana ha". bungad ni mokong habang ngiting asong nakatingin kay Hiwa. Binitiwan ng dalaga ang braso ni binata. Medyo namumula-mula ang dati'y maputi nitong pisngi.  Wag ka nga mag papaniwala sa mga tinuturo ng huwad na ninjang yun. hindi totoo ang mga pinag sasabi nun. sabi ng dalaga kay Coollero. May ilang tama naman ang mga pangaral nya ha. Pagkontra nito kay Hiwa. Yung una "lower your standards", kaya nga kita nagustuhan kasi binaba ko ang pagkilatis ko sa babae. kumunot ng muka ni Hiwaga at tila nag iipon ng chakra upang patahimikin ang kababata, pero tuloy parin ang binata sa pag eeksplika. Yung pangatlo "Stop dreaming", Humintong mangarap, tama rin yun, dahil simula ng nakilala kita hindi na ako nangarap ng iba pa. Bata pa lang tayo yun lang ang tanging pangarap ko. Natigilan si Hiwa sa huling narinig. Ang kaninang nag aalab na pwersa sa kanyang katawan ay biglang na lamang natunaw. (papasok ang erikas ballad mula sa daimos) Humarap si Coollero kay Hiwa, simula ng bata tayo yun lang ang tangi kong panaginip. humawak sa braso ni Ninja Coollero si Hiwaga, tara na baka mahuli na tayo sa ating pagsasanay. Malumanay na usal ng dalaga.(fade ang erikas ballad habang magkahawak kamay na naglalakad palayo ang magkababata).


"Mange kaywel peyslangeyn ang mange yen", Malamyang sigaw ng isang nilalang na nakaitim na hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki, hirap na hirap mag tagalog ang nasabing nilalalang. Ito ang tagpo sa Parang, kung saan nakatayo ang opisinang tagapamayapa ng kanila bansa. Dito nagtatrabaho ang ama ni Coollero bilang leader ng hukbo. Lubhang napakarami at napakalakas ng pwersa ng mga mananakop. Ilang saglit nalang at mapapasakamay na ng kalaban ang tagumpay. Umipon ng napakalakas na pwersa ang lalaking hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki,  nag ipon ito ng maliliit na bagay kulay puti na tila hugis SimCard, umiikot ikot ito sa buo nyang katawan. Parami ng parami ang  mga ito, at sa isa malumanay na sigaw na: "Mamamatey keyowng lehet" ay sabay sabog naman ng  mga inipong pwersa mula sa kanyang katawan. kumulog, kumidlat... ilang saglit pa ay nakakabinging katahimikan. Pulos usok lang ang matatanaw sa lugar. Mula sa kumpol ng usok ay maaninag ang lalaking nakaitim na hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki, hihihi brrrr... lamig po...  kumakaway kaway ito at nakangiti...
"Se wekeys negtegampey akyu" hihihihi... hihihihi...sabay post sa camera habang naka peace sign malapit sa muka. Lumakad na palayo ang lalaking nakaitim ngunit hindi mukang DraGon bagkus ay mukang bukiki. hihihi hihihi hihihi hihihi... brrrr... lamig pohh...

"Anu yung usok na yun"?tanong ni Ninja hiwaga kay Ninja Coollero.
napabitiw ang dalawa sa pagkakahawak.
"Hindi ko alam, mukhang doon yun sa gusali kung saan nag tatrabaho ang aking Ama".
"Magmadali tayo", tara!!! Nilagay ng dalawa ang pareho nilang kamay sa likod ng nakaderetso, at bahagyang yumuko at sabay tumakbo.(parang yung takbo ng mga ninja sa isang sikat na cartoons) nagpalipat-lipat sila sa mga puno at halaman. talon dito talon doon. hanggang marating nila ang pinag mumulan ng usok. tumambad sa kanila ang patung patung na bangkay at sunog na katawan. Meron pang isang backhoe ang nakatayo sa gilid, may nakasulat ditong Pag aari ng Gobyerno. wasak!!!  Napaluhod na lang ang sablay na ninja sa nakita... sabay sigaw ng:

Ooooohhhhhhh Hhhhhhhhiiiiiiiinnnnnnnnddddddeeeeeeee... 

habang humahagulgul eh buong higpit syang niyakap ni Ninja Hiwaga.

Maghihiganti ako...mga kampon ng kadiliman...Maghihiganti ako!!!

"ppssstt Gurly" si hiwaga ang tinutukoy ni Ninja Coollero.

"Tama!!!" sagot ni Hiwa.

"Tara uwi na tayo!!! Pagtadtad mo ko ng maskara ng baboy dun, at pag bukas mo ko ng beer"

Bukas na bukas gaganti ako sa mga kampon ng kadiliman...

TAMA!!! si Ninja hiwaga...


itutuloy...







salamat sa Brewrats sa insperasyon.

Saturday, August 7, 2010

MAYABANG NA AKO NGAYON

wooohhhhooooo... nakasama na pala ang pahinang ito sa mala-alamat na site na blog ng pinoy.
ayus, kahit papaano ay nadadagan ng kaunti ang selfsteem at lakas ng loob ko (sana may nabibili nito sa mga tindahan para mabawasan naman ang mga taong tulad kong nakikipag usap sa nuno sa punso). Mejo pwede na akong magyabang sa mga ipis at butiki sa kwarto ko. Minsan kasi badtrip ako dun sa isang ipis na yun, hindi ko naman sya inaano nang aano, ayan tuloy na ano sya, kala ko nga tutulong yung isang butiki eh, naku kung nagkataon ay iihaw ko yun saktong sakto sa erpats kong may hika. Naku patay, baka makasuhan na ako nito ng mga animal rights activist, ang dami pa naman nila ngayon. Napanood ko nga sa TV may tatlong babae nakasuot lang ng dahon pang takip sa kanilang kaselanan, pinaglalaban nila ang karapatan ng ng mga hayup. kung papaano raw ang tamang pag patay sa mga ito. Hala kaso nga ito malamang kung sakali, hindi ko kasi dinasalan o inatangan ang mga bathala ng peste nung bagsakan ko ng tsenelas ang pobreng kuto ng bahay.

Bata lang ang kaya nyo eh!!! susumbong ko kayo sa mama ko,
boses humihikbing bata habang nag pupunas ng uhog. umiyak matapos agawin ng dalawang nakatatandang bata ang kanyang laruang yoyo at pagpasa pasahan ito. 
kala nyo jan, paglaki ko matanda na kayo gaganti ako sa inyo, saisip-isip ng bata.
bagamat ay bata pa at maliit ay wala pa syang lakas ng loob lumaban sa mga ito.

Makalips ang ilang dikada, malaki na ang batang iyon. ngunit wala parin syang lakas ng loob para gumanti sa mga ito. Pero sa kadahilanang nakasali na ang Blog nya sa Blog ng Pinoy e nadagdagan sya ng yabang at lakas ng loob. kaya ayun!!!

LUMABAS ANG MATAPANG!!! 
ANU BINABASA-BASA MO??
MATAPANG KABA??
SQUARE TAYO!!!

Tuesday, August 3, 2010

Tao po




Alam nyo bang kung sino ang mga pinaka mayamang tao sa lupa?

Ang mga taong grasa.

Bakit?

Dahil meron silang sari-sariling mundo. 

* * *

Kaya kung makikita mo ang isang kaibigan mo na nakatulala at tila ang lalim ng iniisip,

e wag mong istorbohin,

malamang nagpapayaman yun.

Gumagawa ng sariling mundo.





FlipFlop

Kung ikaw ay isang taong halos matulog na sa harapan ng computer, ay malamang nakita/narinig mo na ang Fliptop. Isang kompitisyon ng mga Pilipinong rapper, na kung saan ay may dalawang lalake ang nagtutunggali sa pamamagitan ng pag lapastangan at pag yurak sa pag katao ng katunggali. Isang minutong oramismong paggawa ng mga lirikong hindi mo maririnig sa mga normal na nilalang. Hindi ko maintindahan kung bakit nila kailangan gawin ang mga ito. Gayung magkakapareho naman sila ng mga interes at gawa. At pare-pareho naman silang mga manglilikha ng musika. haayyy....

subukan ko nga gumawa ng mga ginagawa nila??? TAMA!!!



Isang Minuto, Isang minuto.





 Isang kamera, dalawang tanga

napaliligiran ng mga fans ni vice ganda.



Anung fliptop fliptop ang pinagsasabi nyo?

mga muka kayong gagu mga bobo.

Kulturang negro ginagaya nyo,

Mga wala kayung kwenta pare ko.



Pataasan ng pataasan ng ihi

e pare-pareho naman kayong walang tite.



Putak ng Putak wala namang utak nakakatopak.

para kayong mga uwak na walang pakpak. Fuck!!!



Kainan ng kainan hindi ko maintindihan

ang mga banat nyong wala namang laman.



Sigawan ng sigawan banat dito't banat jan.

Oo nga naman mas malakas nga naman ang tunog ng latang walang laman.




Teka teka. di ba't magkakapatid kayo sa larangan ng musika.

Pero bakit nagwawasakan kayo sa ngalan ng pera.



Mga hangal bakit hindi kayo magdasal ng magkaroon ng asal.

Nang hindi kayo mag mukang askal at pusakal na sal sal ng sal sal



Matindi ako labas ugat nilang banat

mga walang binatbat.

Pag hahambalusin ko kayo ng baseball bat.



Mga ungas!

kahit sa pang labas ay wala kayong angas

para kayong itlog na walang hugas.



Hudas barabas hestas

kamyas peras bedras

kamagong ding dong?

Pre di ako kumakain nun.



Howlie siyehhht...



Pasensya na kayo at nagawa ko to.

hindi ako rapper rakista ako

break it down yoooww!!!



Malabong kwento ng Malabong Channel


 Highschool ako noon nung unang napadaan ang talapihitan ng telebisyon namin sa nasabing malabong channel. Hapon noon at ini-iin ko pa ang aking sarili (naks ang lalim ng tagalog. Ang Ini-iin nga pala ay isang yugto sa pag sasaing ng kanin na kung saan hinihinaan ang apoy nito para umalsa ang bigas) galing sa matinding pakikipag buno ng utak sa paaralan, kung meron man. Walang tao sa bahay sa mga ganitong oras. Ito rin ang ilan sa kakaunting oras na wala akong kaagaw sa Remote Control ng TV. Lapag ng bag sa upuan, tanggal ng sapatos at uniperme, Punta sa kusina para magluto ng paburitong meryenda ng aking henerasyon, ang Pancit canton,(NOTE: plain palang ang flavor ng nasabing pancit noon). Habang hinihintay kumulo ang tubig na pag lulutuan ng kulot kulot na pag kain, ay halos automatiko na ang galaw ko para buksan ang telebisyon. Palibhasay nabibilang sa mga maralitang taga lungsod ang aking pamilya, ay malamang at sa malamang wala kaming cable. Mag titiis ka sa kakaunting putahe ng mga palabas. Kung hindi ka "belong" e "sarimanok ka malamang. Wala pang kapuso’t kapamilya noon.




Merong din namang alternatibong himpilan dati na pag aari at pinapatakbo yata ng gobyerno. Pero mukang naghihirap nga talaga ata ang gobyerno ng Pilipinas noon, at pinahintulutan na nilang magbenta ng kung anu anung pang palaki, pang pataas, pang palakas, pang patigas na prudokto sa pambansang telebisyon. Ang matindi pa nito ay hindi ay hindi nauubusan ng offer ang palabas, laging "BUT WAIT THERE'S MORE!!!" hayysss nga naman talaga dagdag kita nga naman ng gobyerno yun, Para hindi na sila umasa lang sa Jueteng collections nung mga panahong un. At may pang dag-dag pa silang pondong pang bili ng bala para pulbusin ang ABU SAYAFF.
  



Ayus Biyernes pala ngayon. Isa sa mga channel ng gubyerno ang nagpapalabas ng pinaka Paburitong larong pang palakasan ng mga Pinoy. Ang Basketbol, Na hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nagpupumilit tayong mga pinoy magpalakas sa nasabing laro, e halos bilang sa ating mga manlalaro ang umaabot sa kilikili ni O'neal. Siguro isa na ito sa maraming naiwang impluwensya ng Imperyalistang bansang sumakop satin dati. Ayus lamang pala San Miguel ko tambak ang Ginebra. nyahahaha..XD Sana tumama ako sa ending...(sign of the cross).


Nilipat ko na ang TV este channel pala, nang nakita kong tapos na ang laro ng aking paburitong koponan at nagwagi.(hindi nga lang tumama sa ending sayang naman =C ).



Whhhaaattts uuupp Mr. PPPIIIGGG...(sigaw ng isang lalaking tila natuyuan ng plema ang lalamunan sa pag sigaw).


Wohooo... sakto isang napaka epikong kanta ang bumungad sa akin nang matapat sa channel 41 MTV channel, palibhasay mag isa lang sa bahay ay nag ssslam akong sumayaw sa saliw ng napakadilikadong musika ng Greyhoundz na Mr PIG. Talon dito, head bang dun. ganito ako ka panatiko sa mga ganitong musika dati. RAP metal, metal, altenative ang mga usong tunog noon, wala pang EMO nun... Slapshock, Cheese dati naging Queso wala na ngaun, Chico Science dati Chicosci (EMO kuno) ngaun, Zoom at Battery (yung puti yung vocalista na born again ata). Bye bye bye... Hutaena!!!!@#$%... pag katapos ng isang napaka tahimik na musika ng Greyhoundz, e babanatan agad ng isang napaka ingay na kanta ng Nsync...bye bye bye... na parang boses kambing.!@#$%Dali dali dali ko itong nilipat at baka mabutan pa ako ng mga astig kong kaklase na dating sumayaw sa skwelahan namin ng POP kanta rin ng Nsync, baka sabihin pa nilang pinapraktis ko sa bahay ang mga sinasayaw nila. hehe.. Dati dalawa lang ang trip ng mga kabataan. kung hindi ka “Rockers” ay “Dancers kasama na nito ang mga hiphop”.



Muli kong pinaikot-ikot ang TV este channel ng TV pala, para mag hanap ng interesadong palabas. Ngunit kung hindi balita na puro patayan at bentahan ng lintik na produktong pang palaki ng anu, eh channel naman ng isang malaking relihiyong na nagsasabing sumapi ka samin at ikaw ay maliligtas channel 25. may tatlong myembro ang nag kkwentuhan, ang alam ko ang kanilang pinag uusapan eh yung isang tao na nasa isang channel na "malabo" na dati rin yata nilang myembro. Sabi ni kapatid na ganito ay ganyan, pero ganito ang sabi kapatid na ganyan. wasak!!! mag tamaam ba sa national television? hayyy naku kung ang mga relihiyon nyo lang ang maliligtas sa darating na pag huhukom? eh paano naman yung mga taong nabuhay na bago pa mabuo ang relihiyon nyo? sama nyo naman sila sa pangarap nyo.. peace be with you...V(0,0)V


Teka, naisip ko na para lang maging patas ang aking pag puna sa isang relihiyon, ay sinubukan ko ring panoorin ang kasagutan ng mga nasa kabilang channel. Ang malabong channel ng 37. napaka labo na ng signal ng himpilang ito. halos hirap na akong aninagin ang mga tao sa screen, pero malinaw naman ang boses.





Malate, manila most happening place to be in malate,
Sinundan ng isang musikang nakakaindak, na maririnig mo lang sa mga pilikulang aksyon ni George Stregan Sr dati.


Teka ulit!!! hindi ito ang taong tinutukoy ng mga kaninang pinapanood ko. bagamat tatlo rin ang tao na kasalukuyang nakabakas sa harap ng telebisyon ay lubhang napaka layo ng hitsura ng mga ito. May isang lalake, payat, mahaba ang buhok na nakasalmin at may isang dalagang tila wala sa tamang katinuan. nakadilaw na pang itaas, nakapantalon na pang C.A.T at nakasumbrero ng berde na kadalasang gamit ng mga sikat na komonista. Naka sakay sila sa isang sasakyang hugis pagong (ito yung sasakyan na mababatukan ka kapag nakita ng kaibigan mo. pendong kotseng kuba) volkswagen ata ang tawag dun.Ingles ang salita ng lalaking nakasalamin at mahaba ang buhok. samantalang pawang "TAMA!!!" lamang ang nasasambit ng nasabing dalagang tila wala sa katinuan. paminsan minsan ay may lumalabas na lalaking nakabihis taong grasa. Matangkad naman at payat din ito.


Sa kagustuhang maging malinaw ang pinapanood, Ay sinubukan kong ipaling ang sungay ng telebisyon sa tamang posision Ngunit bigo. Malabo parin ang palabas. Nagkasya na akong umaninag at makinig.


Nagmamaneho ang babae habang panay ang kwento ng lalake tungkol sa matagal na nyang pangarap mag ahit ng kili kili. Tuwang tuwa ang lalake tangan ang lata na naglalaman ng tila “icing” (di ko alam ang tagalong hehe). Mula daw ng nakita nyang ginagamit ito ng kanyang ama, ay naging panaginip na daw nyang masubukan ito.

KAMPON NG KADILIMAN!!! Sambit ng taong grasa.

MAHIHIGANTI AKO. SA MGA KAMPON NG KADILIMAN!!! muli nitong sambit, dahil muntik na syang masagasaan ng nabangit na sasakyan.


Naka uwi na ang lalake at babae. Isinasagawa na ng lalaki ang pag tupad sa kanyang pangarap na
mag ahit ng kilikili. Samantalang kumakain naman ng isang basong yogurt ang babae habang pinapanood ang amo nya.

Kampon ng kadiliman!!! patuloy na sigaw ng taong grasa, habang patuloy na hinahanap ang sasakyang muntik na kumitil ng buhay nya.Inspeksyon dito amoy doon ang kanyang ginagawa sa mga kotseng nakakaharap. May tangan na mansanas na may sumpa ang taong grasa. Inorasyonan nya ito sa pamamagitan ng pag pahid nito sa kanyang kili kili't puwit. Ibibigay ko ito sa mga kampon ng kadiliman bulalas ng taong grasa, kasunod ng hindi kaaya-ayang tawa...bwahahahaha bwahahaha...


Patuloy ang kwento ng lalaki sa babae. naalala daw nya yung mga panahong wala pa siyang pancit canton sa kili kili. ang buong kwento nya ay sa lenguaheng ingles.

TOK TOK TOK TOK TOK...

May tao, sabi nya sa babae. TAMA!!! lamang nasambit nito. binuksan ng babae ang tarangkahan ng kanila tinutuluyan nang bumungad ang isang tao grasang. Sino ka? sambit pa nito.

Ako si Kiether. Ineng pwede pang himinge ng makakain kahit kainti lamang, sapagkat apat na buwan na akong di kimakain at naliligo. bulalas ng taong grasa.

Hawak ang basong may lamang yogurt, ay sya namang abot ng kutsarang ginagamit nya kanina at subo sa taong grasa. nakailang subo din ang taong grasa sa kutsara nya, nang mag pasya ang babae na tigilan na ang pag papakain sa taong grasa't pumasok na. sige salamat sabi ng babae. Sabay sarado ng pinto. di pa man nakakalayo ang babae, ay muli nanamang kumatok ang taong grasa. Muli itong binuksan ng babae. sabay tanong ng kung anung kailangan nya.

Dahil sa iyong pinamalas na ginintuang puso at ganda ng kalooban, ay nais kitang gantimpalaan ng isang mansanas. tinanggap ng babae ang mansanas at sambit ng TAMA!!! muli nyang sinarado ang pinto, ito ay sa saliw ng di kaaya-ayang tawa mula taong grasang nag ngangalang Kiether.

Nasa loob na ng bahay ang babae at muling bumalik sa pakikipag kwentuhan sa amo nya. Saan galing yang mansanas mo? baka galing yan sa taong grasa ha? sabi ng lalaki. hindi ahh akin to, sagot ng babae. pinunas sa kanyang dilaw na damit ang prutas bago lantakan ng kagat. sarap na sarap ang babae sa pag kain sa prutas mula sa taong grasa. Penge naman ako nyan? hirit ng lalaki. Tama!!! mamaya, ang sagot ng babae. halus ubos na ang mansanas nang alukin nya ang lalake. wag nalang tanggi ng amo. TAMA!!! muling sagot ng babae.

ERNING HANDA MO AUTO, (erning pangalan ng babae) sigaw ng kanyang amo.

TAMA!!! habang naka apbrub sign ang kamay ng babae.

Nililinis ng babae ang kotse na parang pinapatong lang ang basahan.

ANU? HANDA NABA ANG AUTO? ang amo nya ulit.

TAMA!!! ang babae ulit.

erning? mag ahit ka nga. sabi ng lalake nang mapansing may tumubong bigote sa babae. sabay talikod sa babae.Hinipo ng babae ang baba ng kangyang ilong, nahawakan nya ang buhok na tumubo doon at sinubukang ahitin. ngutnit kahit ilang beses nyang ulit ulitin ang gawain, ay bumabalik lang ang buhok.







TADO inahit ko na to eh (pangalan ng kanyang amo) tinutukoy ang bigote, sabi ng babae.

Sabi ko naman sayo eh wag mo kainin yung mansanas na galing sa taong grasa eh.

TAMA!!! habang hindi na kaaliwalas ang mukang babae.


ERNING HANDA MO ULIT ANG AUTO.

TAMA!!! (mejo walang lakas na banggit).


Sabay putol ng palabas para sa patalastas....


Wasak! pagkatapos ng ilang minutong panonood o pakikinig nga halos dahil sa sobrang labo ng palabas, ay tila nag iba ang pananaw ko sa panonood ng telebisyon. meron palang ganitong klase ng palabas na napaka simple ngunit kakaiba sa iba. Sa ilang minutong panonood ko ay napabalik ako sa realidad ng buhay na nasa maliliit na bagay ang nakakapag pasaya sa tao. Naisip kong sa pagnanais ng mga ilang pangunahing palabas at himpilan sa Pilipinas mag pagaling at mag pakatotoo, ay lalo silang nag mumukhang peke katawatawa. Simpleng palabas na tumatalakay sa ilang sa mga pinaka simpleng bagay sa buhay. Ngunit nagagawang katawatawa sa kakaibang paraan.


APIR!!! OLRAYT!!!(ang laging panapos sa bawat interview nya sa palabas) ASTIG!!!


Simula noon, lagi na ako sumusubaybay sa show na tila ang lakas ng TAMA!!! Pag kagaling sa eskwela, Pagkatapos mag pa level sa RAGNAROK,makipagbasagan ng base STARCRAFT, makipag balyahan sa basketball o tumambay sa kalya kasama ang mga kapit bahay naming walang damit pang itaas.

Nakatutok din ako sa malabong channel tuwing nag aaral, nagrereview, gumagawa ng assignment. masarap mag sunog ng kilay habang nanonood ng isang ASTIG na SHOW katulad ng "STRANGEBREW"


Teka speaking of nag susunog?

Amoy sunog ha??

Howlie Syet!!! yung niluluto kong Pancit Canton... pak syet!!!...


wasak na wasak!!!



ARNEL AUSTRIA aka Urbankuneho
(july 17 2010)









Pagtalikod at Paglimot

Nakatitig sa kawalan,
manhid ang isipan.


Sinusubukang takasan
ang pait ng nakaraan.


Ilang tagpo ng kahapong
pilit binabaon.


Mga gunitang naka-kahon,
sa isipa'y umaalon.


Pasakit na dinanas,
ay muli kong binabalangkas.


Upang makatakas,
at sa realidad ay muling maka-angkas.


Mga pagkakadapa sa kahapon
ay sikap na inaahon.


Bigyang pansin ang ngayon
pag aralan pag naglaaon.


Minsa'y kailangang magnila-nilay
Para sa buhay ay makasabay.


Pagkat walang kahulugang taglay,
ang kahapong di binigyan ng kulay.


Ang kasalukuyan at ang hinaharap,
ay tila mahirap matanggap


Kung ang kahapon ang iyong kaharap,
at ang gunita ang iyong kayakap.





Arnel Austria aka Urbankuneho
(july 30 2010)