ayus, kahit papaano ay nadadagan ng kaunti ang selfsteem at lakas ng loob ko (sana may nabibili nito sa mga tindahan para mabawasan naman ang mga taong tulad kong nakikipag usap sa nuno sa punso). Mejo pwede na akong magyabang sa mga ipis at butiki sa kwarto ko. Minsan kasi badtrip ako dun sa isang ipis na yun, hindi ko naman sya inaano nang aano, ayan tuloy na ano sya, kala ko nga tutulong yung isang butiki eh, naku kung nagkataon ay iihaw ko yun saktong sakto sa erpats kong may hika. Naku patay, baka makasuhan na ako nito ng mga animal rights activist, ang dami pa naman nila ngayon. Napanood ko nga sa TV may tatlong babae nakasuot lang ng dahon pang takip sa kanilang kaselanan, pinaglalaban nila ang karapatan ng ng mga hayup. kung papaano raw ang tamang pag patay sa mga ito. Hala kaso nga ito malamang kung sakali, hindi ko kasi dinasalan o inatangan ang mga bathala ng peste nung bagsakan ko ng tsenelas ang pobreng kuto ng bahay.
Bata lang ang kaya nyo eh!!! susumbong ko kayo sa mama ko,
boses humihikbing bata habang nag pupunas ng uhog. umiyak matapos agawin ng dalawang nakatatandang bata ang kanyang laruang yoyo at pagpasa pasahan ito.
kala nyo jan, paglaki ko matanda na kayo gaganti ako sa inyo, saisip-isip ng bata.
bagamat ay bata pa at maliit ay wala pa syang lakas ng loob lumaban sa mga ito.
Makalips ang ilang dikada, malaki na ang batang iyon. ngunit wala parin syang lakas ng loob para gumanti sa mga ito. Pero sa kadahilanang nakasali na ang Blog nya sa Blog ng Pinoy e nadagdagan sya ng yabang at lakas ng loob. kaya ayun!!!
LUMABAS ANG MATAPANG!!!
ANU BINABASA-BASA MO??
MATAPANG KABA??
SQUARE TAYO!!!
sorry na, ayaw ko ng away. nakikibasa lang naman eh. hehe. saka wag ka masyadong nangaaway ng ipis at butiki, pag nagsanib puwersa ang mga yan.. lagot ka! hehe. magandang gabi parekoy at welcome sa mundo ng pagba-blog :P
ReplyDelete