Wednesday, August 11, 2010

deliryo

San ka galing?

Doon sa tambakan, nangalakal.

Marami kaba nakalakal?

Kakaonti lang, abot dalawampung piso lang. Ang lalakas kasi mang "backs out" ng mga matatanda doon eh. Pero ayus lang yun may bukas pa naman. Hindi pa nga ako nag aalmusal at nananghalian, mejo nahihilo na nga ako eh.

Bakit hindi ka naman kumain kanina?

Sunod sunod kasi yung dating ng track sa tambakan eh, kung kakain pa ako malamang wala na akong maabutan doon. Sayang naman, Ang dami na rin kasi nangangalakal ngayon.

Wala bang pag kain jan sa hapag nyo?

Wala eh, panis na kanin mula kagabi lang ang laman ng kaldero, mamaya ibibigay ko nalang yun kay aling delya pang pakain sa baboy nila.

Hindi ba nag luto ang Ate mo?

Naku hindi mo yun maasahang mag luto, puyat kasi yun galing sa trabaho nya sa club. At kung magluluto man yun, para sa kanila lang ng asawa nyang tulak ng marijauna at shabu dito samin. Minsan nga hindi na ako makapanglakal, kasi sakin pa pinapabantay yung mga anak nilang sila chuchay at bugoy. 

Eh kamusta naman pala ang kuya mo ngayon?

Si kuya? Ayun, hindi parin nakakalaya. nakulong kasi sya nung agawin daw nya yung bag ng studyanteng nakaputi dyan sa overpass ng Litex. Bugbog sarado na nga  sya ng taong bayan nung nacorner sya sa may manggahan nun, binugbog pa daw sya ng mga pulis sa stasyon nila. minsan dumadaan ako dun pagkagaling ko sa tambakan, pagkain na agad ang binibigay ko sa kanya, kasi minsan daw pag pera ang binigay mo ay kukunin lang ng mga Pulis yun.


Eh ikaw, bakit hindi ka ba nag aaral?

Grade 2 na sana ako sa pasukan , pero sabi kasi ni nanay, hindi naman na daw kailangang ng deploma para malaman ang pagkakaiba ng bakal sa plastik at tanso sa aluminum. Tapos paglaki ko naman daw pagtitinda lang din ng droga ang magiging trabaho ko tama na daw yung marunong ako magdagdag at magbawas. kaya pinahinto na nya ako sa pag aaral.

Ganun ba? Tara laro muna tayo sa labas. Para sumaya ka naman kahit konti.

Ayoko. baka walang maabutang tao dito si nanay eh. magagalit yun.

Hindi magagalit yun. minsan ka lang naman mag sasaya eh. maiiintindihan niya yan.

Ayoko baka bugbugin nanaman ako nun. Hindi pa nga gumagaling yung paso ng plantsa at latay ng tambo sa likod ko eh, baka madagdagan nanaman. Pero ayus lang yun, kasalanan ko rin naman kaya ako sinaktan ng nanay. lilimang piso lang kasi ang nabigay ko sa kanya na pinagbentahan ng kalakal. Mejo sumakit kasi yung tiyan ko nung kinain ko yung pagkaing nakakal ko sa tambakan,
ayan tuloy nag tae at na suka ako kaya hindi ako masyado nakapangalakal ng maayus.

Sige na dyan lang naman tayo sa tapat marlalaro eh. hindi magagalit yun.

Ayaw ko ikaw nalang. Sige na mag sasaing pa ako ng kanin  para pag dating ng nanay ay may makakain na agad sya pagkagaling sa sugalan.

HOYY!!! PUTANG INA KANG BATA KA!!! tumayo kanga dyan. sino kausap mo? nagdodoroga ka na rin ba?
Nagsaing ka naba??
Magkano kinita mo sa pangangalakal? Akin na nga at nang makabawi ako dun sa mga putang inang mga kalaban ko, mga mandarambong ata yung mga yun. Bilisan mo't ihanda mo ang mga parapernalya ng droga dyan at nanjan si kadyo gagamit daw sila ng mga tropa nya, pag silbihan mo sila ng maayos at baka hindi na sila dito pumuwesto. malilintikan ka sakin. 

Papungas-pungas na bumangon ang bata para iabot ang pera sa ina at mag silbi sa mga parokyano ng droga sa kanilang bahay.

No comments:

Post a Comment