Tuesday, August 3, 2010

Malabong kwento ng Malabong Channel


 Highschool ako noon nung unang napadaan ang talapihitan ng telebisyon namin sa nasabing malabong channel. Hapon noon at ini-iin ko pa ang aking sarili (naks ang lalim ng tagalog. Ang Ini-iin nga pala ay isang yugto sa pag sasaing ng kanin na kung saan hinihinaan ang apoy nito para umalsa ang bigas) galing sa matinding pakikipag buno ng utak sa paaralan, kung meron man. Walang tao sa bahay sa mga ganitong oras. Ito rin ang ilan sa kakaunting oras na wala akong kaagaw sa Remote Control ng TV. Lapag ng bag sa upuan, tanggal ng sapatos at uniperme, Punta sa kusina para magluto ng paburitong meryenda ng aking henerasyon, ang Pancit canton,(NOTE: plain palang ang flavor ng nasabing pancit noon). Habang hinihintay kumulo ang tubig na pag lulutuan ng kulot kulot na pag kain, ay halos automatiko na ang galaw ko para buksan ang telebisyon. Palibhasay nabibilang sa mga maralitang taga lungsod ang aking pamilya, ay malamang at sa malamang wala kaming cable. Mag titiis ka sa kakaunting putahe ng mga palabas. Kung hindi ka "belong" e "sarimanok ka malamang. Wala pang kapuso’t kapamilya noon.




Merong din namang alternatibong himpilan dati na pag aari at pinapatakbo yata ng gobyerno. Pero mukang naghihirap nga talaga ata ang gobyerno ng Pilipinas noon, at pinahintulutan na nilang magbenta ng kung anu anung pang palaki, pang pataas, pang palakas, pang patigas na prudokto sa pambansang telebisyon. Ang matindi pa nito ay hindi ay hindi nauubusan ng offer ang palabas, laging "BUT WAIT THERE'S MORE!!!" hayysss nga naman talaga dagdag kita nga naman ng gobyerno yun, Para hindi na sila umasa lang sa Jueteng collections nung mga panahong un. At may pang dag-dag pa silang pondong pang bili ng bala para pulbusin ang ABU SAYAFF.
  



Ayus Biyernes pala ngayon. Isa sa mga channel ng gubyerno ang nagpapalabas ng pinaka Paburitong larong pang palakasan ng mga Pinoy. Ang Basketbol, Na hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nagpupumilit tayong mga pinoy magpalakas sa nasabing laro, e halos bilang sa ating mga manlalaro ang umaabot sa kilikili ni O'neal. Siguro isa na ito sa maraming naiwang impluwensya ng Imperyalistang bansang sumakop satin dati. Ayus lamang pala San Miguel ko tambak ang Ginebra. nyahahaha..XD Sana tumama ako sa ending...(sign of the cross).


Nilipat ko na ang TV este channel pala, nang nakita kong tapos na ang laro ng aking paburitong koponan at nagwagi.(hindi nga lang tumama sa ending sayang naman =C ).



Whhhaaattts uuupp Mr. PPPIIIGGG...(sigaw ng isang lalaking tila natuyuan ng plema ang lalamunan sa pag sigaw).


Wohooo... sakto isang napaka epikong kanta ang bumungad sa akin nang matapat sa channel 41 MTV channel, palibhasay mag isa lang sa bahay ay nag ssslam akong sumayaw sa saliw ng napakadilikadong musika ng Greyhoundz na Mr PIG. Talon dito, head bang dun. ganito ako ka panatiko sa mga ganitong musika dati. RAP metal, metal, altenative ang mga usong tunog noon, wala pang EMO nun... Slapshock, Cheese dati naging Queso wala na ngaun, Chico Science dati Chicosci (EMO kuno) ngaun, Zoom at Battery (yung puti yung vocalista na born again ata). Bye bye bye... Hutaena!!!!@#$%... pag katapos ng isang napaka tahimik na musika ng Greyhoundz, e babanatan agad ng isang napaka ingay na kanta ng Nsync...bye bye bye... na parang boses kambing.!@#$%Dali dali dali ko itong nilipat at baka mabutan pa ako ng mga astig kong kaklase na dating sumayaw sa skwelahan namin ng POP kanta rin ng Nsync, baka sabihin pa nilang pinapraktis ko sa bahay ang mga sinasayaw nila. hehe.. Dati dalawa lang ang trip ng mga kabataan. kung hindi ka “Rockers” ay “Dancers kasama na nito ang mga hiphop”.



Muli kong pinaikot-ikot ang TV este channel ng TV pala, para mag hanap ng interesadong palabas. Ngunit kung hindi balita na puro patayan at bentahan ng lintik na produktong pang palaki ng anu, eh channel naman ng isang malaking relihiyong na nagsasabing sumapi ka samin at ikaw ay maliligtas channel 25. may tatlong myembro ang nag kkwentuhan, ang alam ko ang kanilang pinag uusapan eh yung isang tao na nasa isang channel na "malabo" na dati rin yata nilang myembro. Sabi ni kapatid na ganito ay ganyan, pero ganito ang sabi kapatid na ganyan. wasak!!! mag tamaam ba sa national television? hayyy naku kung ang mga relihiyon nyo lang ang maliligtas sa darating na pag huhukom? eh paano naman yung mga taong nabuhay na bago pa mabuo ang relihiyon nyo? sama nyo naman sila sa pangarap nyo.. peace be with you...V(0,0)V


Teka, naisip ko na para lang maging patas ang aking pag puna sa isang relihiyon, ay sinubukan ko ring panoorin ang kasagutan ng mga nasa kabilang channel. Ang malabong channel ng 37. napaka labo na ng signal ng himpilang ito. halos hirap na akong aninagin ang mga tao sa screen, pero malinaw naman ang boses.





Malate, manila most happening place to be in malate,
Sinundan ng isang musikang nakakaindak, na maririnig mo lang sa mga pilikulang aksyon ni George Stregan Sr dati.


Teka ulit!!! hindi ito ang taong tinutukoy ng mga kaninang pinapanood ko. bagamat tatlo rin ang tao na kasalukuyang nakabakas sa harap ng telebisyon ay lubhang napaka layo ng hitsura ng mga ito. May isang lalake, payat, mahaba ang buhok na nakasalmin at may isang dalagang tila wala sa tamang katinuan. nakadilaw na pang itaas, nakapantalon na pang C.A.T at nakasumbrero ng berde na kadalasang gamit ng mga sikat na komonista. Naka sakay sila sa isang sasakyang hugis pagong (ito yung sasakyan na mababatukan ka kapag nakita ng kaibigan mo. pendong kotseng kuba) volkswagen ata ang tawag dun.Ingles ang salita ng lalaking nakasalamin at mahaba ang buhok. samantalang pawang "TAMA!!!" lamang ang nasasambit ng nasabing dalagang tila wala sa katinuan. paminsan minsan ay may lumalabas na lalaking nakabihis taong grasa. Matangkad naman at payat din ito.


Sa kagustuhang maging malinaw ang pinapanood, Ay sinubukan kong ipaling ang sungay ng telebisyon sa tamang posision Ngunit bigo. Malabo parin ang palabas. Nagkasya na akong umaninag at makinig.


Nagmamaneho ang babae habang panay ang kwento ng lalake tungkol sa matagal na nyang pangarap mag ahit ng kili kili. Tuwang tuwa ang lalake tangan ang lata na naglalaman ng tila “icing” (di ko alam ang tagalong hehe). Mula daw ng nakita nyang ginagamit ito ng kanyang ama, ay naging panaginip na daw nyang masubukan ito.

KAMPON NG KADILIMAN!!! Sambit ng taong grasa.

MAHIHIGANTI AKO. SA MGA KAMPON NG KADILIMAN!!! muli nitong sambit, dahil muntik na syang masagasaan ng nabangit na sasakyan.


Naka uwi na ang lalake at babae. Isinasagawa na ng lalaki ang pag tupad sa kanyang pangarap na
mag ahit ng kilikili. Samantalang kumakain naman ng isang basong yogurt ang babae habang pinapanood ang amo nya.

Kampon ng kadiliman!!! patuloy na sigaw ng taong grasa, habang patuloy na hinahanap ang sasakyang muntik na kumitil ng buhay nya.Inspeksyon dito amoy doon ang kanyang ginagawa sa mga kotseng nakakaharap. May tangan na mansanas na may sumpa ang taong grasa. Inorasyonan nya ito sa pamamagitan ng pag pahid nito sa kanyang kili kili't puwit. Ibibigay ko ito sa mga kampon ng kadiliman bulalas ng taong grasa, kasunod ng hindi kaaya-ayang tawa...bwahahahaha bwahahaha...


Patuloy ang kwento ng lalaki sa babae. naalala daw nya yung mga panahong wala pa siyang pancit canton sa kili kili. ang buong kwento nya ay sa lenguaheng ingles.

TOK TOK TOK TOK TOK...

May tao, sabi nya sa babae. TAMA!!! lamang nasambit nito. binuksan ng babae ang tarangkahan ng kanila tinutuluyan nang bumungad ang isang tao grasang. Sino ka? sambit pa nito.

Ako si Kiether. Ineng pwede pang himinge ng makakain kahit kainti lamang, sapagkat apat na buwan na akong di kimakain at naliligo. bulalas ng taong grasa.

Hawak ang basong may lamang yogurt, ay sya namang abot ng kutsarang ginagamit nya kanina at subo sa taong grasa. nakailang subo din ang taong grasa sa kutsara nya, nang mag pasya ang babae na tigilan na ang pag papakain sa taong grasa't pumasok na. sige salamat sabi ng babae. Sabay sarado ng pinto. di pa man nakakalayo ang babae, ay muli nanamang kumatok ang taong grasa. Muli itong binuksan ng babae. sabay tanong ng kung anung kailangan nya.

Dahil sa iyong pinamalas na ginintuang puso at ganda ng kalooban, ay nais kitang gantimpalaan ng isang mansanas. tinanggap ng babae ang mansanas at sambit ng TAMA!!! muli nyang sinarado ang pinto, ito ay sa saliw ng di kaaya-ayang tawa mula taong grasang nag ngangalang Kiether.

Nasa loob na ng bahay ang babae at muling bumalik sa pakikipag kwentuhan sa amo nya. Saan galing yang mansanas mo? baka galing yan sa taong grasa ha? sabi ng lalaki. hindi ahh akin to, sagot ng babae. pinunas sa kanyang dilaw na damit ang prutas bago lantakan ng kagat. sarap na sarap ang babae sa pag kain sa prutas mula sa taong grasa. Penge naman ako nyan? hirit ng lalaki. Tama!!! mamaya, ang sagot ng babae. halus ubos na ang mansanas nang alukin nya ang lalake. wag nalang tanggi ng amo. TAMA!!! muling sagot ng babae.

ERNING HANDA MO AUTO, (erning pangalan ng babae) sigaw ng kanyang amo.

TAMA!!! habang naka apbrub sign ang kamay ng babae.

Nililinis ng babae ang kotse na parang pinapatong lang ang basahan.

ANU? HANDA NABA ANG AUTO? ang amo nya ulit.

TAMA!!! ang babae ulit.

erning? mag ahit ka nga. sabi ng lalake nang mapansing may tumubong bigote sa babae. sabay talikod sa babae.Hinipo ng babae ang baba ng kangyang ilong, nahawakan nya ang buhok na tumubo doon at sinubukang ahitin. ngutnit kahit ilang beses nyang ulit ulitin ang gawain, ay bumabalik lang ang buhok.







TADO inahit ko na to eh (pangalan ng kanyang amo) tinutukoy ang bigote, sabi ng babae.

Sabi ko naman sayo eh wag mo kainin yung mansanas na galing sa taong grasa eh.

TAMA!!! habang hindi na kaaliwalas ang mukang babae.


ERNING HANDA MO ULIT ANG AUTO.

TAMA!!! (mejo walang lakas na banggit).


Sabay putol ng palabas para sa patalastas....


Wasak! pagkatapos ng ilang minutong panonood o pakikinig nga halos dahil sa sobrang labo ng palabas, ay tila nag iba ang pananaw ko sa panonood ng telebisyon. meron palang ganitong klase ng palabas na napaka simple ngunit kakaiba sa iba. Sa ilang minutong panonood ko ay napabalik ako sa realidad ng buhay na nasa maliliit na bagay ang nakakapag pasaya sa tao. Naisip kong sa pagnanais ng mga ilang pangunahing palabas at himpilan sa Pilipinas mag pagaling at mag pakatotoo, ay lalo silang nag mumukhang peke katawatawa. Simpleng palabas na tumatalakay sa ilang sa mga pinaka simpleng bagay sa buhay. Ngunit nagagawang katawatawa sa kakaibang paraan.


APIR!!! OLRAYT!!!(ang laging panapos sa bawat interview nya sa palabas) ASTIG!!!


Simula noon, lagi na ako sumusubaybay sa show na tila ang lakas ng TAMA!!! Pag kagaling sa eskwela, Pagkatapos mag pa level sa RAGNAROK,makipagbasagan ng base STARCRAFT, makipag balyahan sa basketball o tumambay sa kalya kasama ang mga kapit bahay naming walang damit pang itaas.

Nakatutok din ako sa malabong channel tuwing nag aaral, nagrereview, gumagawa ng assignment. masarap mag sunog ng kilay habang nanonood ng isang ASTIG na SHOW katulad ng "STRANGEBREW"


Teka speaking of nag susunog?

Amoy sunog ha??

Howlie Syet!!! yung niluluto kong Pancit Canton... pak syet!!!...


wasak na wasak!!!



ARNEL AUSTRIA aka Urbankuneho
(july 17 2010)









2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Napansin ko lang anu, yung pag-susulat mo walang direksiyon parang kinabukasan mo, ang daming sablay-kung sa bagay anu nga naman nutrisyon ang makukuha mo sa pancit canton. Hula ko ikaw ang isang uri ng nilalang na mataas ang pag-puri sa sarili kahit alam mong marami kang sablay.

    Sana yung mga katulad mo manahimik na lang halatang ka-kupalan lang sinusulat mo, tagalog na nga lang mali-mali pa ang pag-gamit mo ng barila at pag-baybay ng salita. Ang masasabi ko lang mamatay ka na!

    ReplyDelete