Saturday, May 25, 2013

Nahuhulog.. (flash fiction)


aaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh....wuhhoooooooooooooooooooohh....
malakas na sigaw ng isang lalaki matapos tumalon mula sa isang eroplano.

Isang mabilis na patihulog.
ibang klaseng kasiyahan ang dulot nito sa kanya.
pakiramdam ng paglipad, nakadipa at hawak kamay ang hangin.
May buong layang igalaw at ipaling ang paningin sa magagandang tanawin.
Buong laya din nyang damhin at namnamin ang malakas ngunit puro't malinis na hangin.
Hindi niya halos binibitiwan at buong ingat na hinahawakan ang isang taling gamit upang 
ano mang oras na baltakin ay bubuka ang kanyang pakpak.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Ganoon nalamang din kabilis ang pag iba at pagsama ng kanyang pakiramdam.
pagkahilo, panglalabo ng paningin, at paghirap sa paghinga.
Pakiramdam ng pagod at pagkatuod, paninigas ng mga kalamnan.
Hindi na malinaw ang kaninang mga magagandang mga tanawin.
tila nasasakal sa hanging malakas na humahampas sa kangyang mukha.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Sa kanyang kalagayan, pagkalito at takot sa sarili ang nangingibabaw.
Mabilis na nanumbalik ang mga problema at mga masasamang mga karanasan.
Saan man sya lumingon ngayon ay ang mga multo ng nakaraan ang kanyang nagugunita.
Pagkabaon sa utang, problema sa pamilya, sa kaibigan ang ilan sa mga bumabagabag sa kanya.
Gulong gulo na ang isip nya, Sa kanyang kasalukuyang anyo ay mababanaag ang kawalan ng gana at pag asa,
at ang kaninang mahigpit na pagkakahawak sa tali ay bahagya nang lumuluwag.
Ilang saglit pa ay gusto na nyang magpaubaya. tinalo na sya ng problema.
Tuluyan at buong laya na nyang pinakawalan ang tali ng kanyang buhay.
At nawalan na sya ng malay.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Isang malakas at malamig na hangin ang ngayon ay humahampas sa kanyang mga pisngi.
Ang kaninang sama ng pakiramdam ay munting naibsan. 
Bahagyang napadilat upang tumanaw ng konting liwanag.
Isang batang babae ang kanyang naaninag sa di kalayuan.
Isang tinig ng babae ang kanyang naulinigan. Binibihisan ng babae ang bata para pumasok sa paaralan,
Larawan ng isang masayang pamilya ang kanyang nasaksihan.
Sa di kalayuan, may nabanaag siyang isang grupo ng mga kabaataang nagkakasayahan, Ang ilan ay panay pa ang kaway sa kanya, habang ang iba ay harutan at hagikhikan ang pinagkakaabalahan, ang isa ay nag muwestra pa ng pag abot ng isang basong serbesa. Isang maligayang samahan ang kanyang namasdan.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Pakiramdam ng bagong pag asa ang tumaas sa kanyang kaibuturan.
Ibang klaseng gana ngayon ang kanyang nararamdaman at nanumbalik muli sa kanya ang kalayaan.
Sa patuloy na paglapit sa lupa ay sa magagandang larawan ng mga pangyayari nalang nakatali ang ang kanyang paningin. May ngiti nyang sinabi sa sarili na kailangang magpakatatag para sa Pamilya't mga mahal sa buhay.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
Mataas ang moral at mabilis din ang kanyang paghagilap sa kaninang munting taling pinagpaubayaan ng kanyang malaking buhay.
Kinapa sa likod, sa gilid, sa taas at sa baba ngunit wala.
palapit na ng palipit sa lupa.
patuloy ang kanyang pag kapa.
palapit na ng palipit sa lupa.
Nagsimula na syang magpanic.
Bumalik nanaman ang lahat ng kanyang mga naisip kanina ngunit may pagka mabilis ito na parang isang pilikulang niRewind. Hangang sa bumalik sa isang eksena ng buhay nyang wala pa syang problema, maaliwalas pa ang lahat, masayang namumuhay at nasaayos pa ang lahat. Nagsulputan na ang mga tanong sa sarili, na kung saan nga ba sya nagkamali? at ano nga ba ang naging kasalanan nya? Tumulo nalang ang mga luha sa kanyang mga Mata, Dasal at paghingi nalang ng tawad ang kanyang nabanggit. Sana Panaginip lang ang lahat sa isip isip nya.

Kasabay ng mabilis na patihulog.
malakas na kalabog at sakit ng likod ang kanyang sabay na narinig at narandaman.
natauhan syang kaharap ang kanyang anak na tumatawa sa kanyang harapan,
hihihihihi.. Si daddy nahulog sa kama. hihihihi wika nito.
May ngiti sa labi at mangilid ngilid ang luha nya itong niyakap.
Napansin nyang may nakataling Tatlong puting lobo sa kanyang kamay at nag taka.
Maya maya pa ay may kumatok at tuluyan nang pumasok ng kwarto ang kanyang asawa at nadatnang magkayakap ang mag ama. Akala ko naman kung ano yung kumalabog dito sa taas e, kayo lang palang dalawa. Muli siyang tumayo at mahigpit rin niyakap ang asawa. Napansin ng kanyang asawa ang kanyang pagtataka sa Lobong nakatali sa kanyang kamay, Pinabili ng anak mo yan kanina, Ibibigay nya daw sayo regalo daw nya dahil birthday mo. wika ng asawa. kanina kapa nga pinaglalaruan nyang anak mo at ginigising ka, Sigaw ng sigaw ng Fly daddy! Fly Daddy! Fly! wika muli ng asawa. Tena baba na tayo dun at nandun na ang mga kaibigan at mga kamaganak mo't naghihintay na, kompleto ata sila at mapapalaban ka nanaman yata ng wasakan!














Thursday, January 10, 2013

A total wreck story of a lefty wrote by a lefty, Isang wasak na kwento ng isang kaliwete sinulat ng isang kaliwete (ginoogle translate lang para magmukhang maangas)


Hihikbi-hikbi ang isang bata habang kumakain
sa harap ng hapag kainan,
mababakas sa mukha ng paslit ang pagkalito.
kapansin-pansin din ang kabagalan nito sa pagkain
at ang madalas na pagkahulog ng kanin,
pagkatapon ng sabaw at ng kung anu man ang kanyang isinusubo gamit ang kubyertos.
Pilitin man nyang gumalaw ng normal ngunit di nakikiayon ang isip sa mga kamay,
Malalim at matalim ang kanyang mga panakaw na tingin
sa isang nakatatandang babaeng nakasalamin sa kanyang harapan.
Bantay na bantay nya ang mga kilos nito at kung kailan
muling dadapo ang pitik sa kanyang mga manhid at maliliit na kamay.
Ilang saglit pa ay humirit ito ng hampas
nang pasimpleng pag palitin ang posisyon ng paslit ang mga tangan na kubyertos
Sabay ng sigaw ng;
"Lapastangan! hindi ganyan ang tamang paghawak ng mga kubyertos, isa ka talagang anak ng alipin.
Isa kang INDIO, kaya hindi kayo umuunlad
kasi hindi kayo marunong sumunod sa tama at umaayon sa trend!
Facundo! nawalan na ako ng ganang kumain,
ipatapon na ang hapag kainan, Isama mo na rin itong Bastardong ito"
Tayo sabay buklat ng abanikong tangan, paypay, snab sabay alis.. Che!!!

"Sino bang Gunggung ang nagpauso at nag set ng standard na
dapat nasa kaliwa ang tinidor at nasa kanan ang kutsara?
Bigyan ko kaya itong si Miss Tapia/ Miss Minchin/Seniora Santibanez ng killer left hook ni Paquiao?"
sa isip isip ng musmos na lalong nang liit sa mga banat ng Kontrabida Meme star.

Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kakaiba ako.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin manloloko ako.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kalaban ako ng Estado.
Oo kaliwete ako pero hindi ibig sabihin kakampi ako ng Dyablo.
Bakit ba halos lahat ng negatibo ay naikabit na sa kaliwa o kaliwete?

Isipin mo?
pag sinabing kaliwete manloloko na?
Pero pag sinabing kanang kamay mapagkakatiwalaan?
ang harsh ha!

Mahirap isipin na ang mundong ito ay nilikha para lang sa mga kananete,
Pero parang gusto ko na ring manilawala dito. Dahil ako mismo ay nakaranas
ng mga tagos sa butong mga puna, pagtatama, pangungutya (Direkta o hindi direkta)
Marami sa mga bagay sa mundo ay sadyang ginawa para lang sa mga kanan.

Noong Kindergarten ako halos makuba na ako sa buong taong pag gamit ng hindi naangkop
na upuan para sa mga kaliweteng estudyante. kung papansinin kasi, halos lahat ng upuan sa mga eskwelahan ay nasa gawing kanan ang sulatan (Promise kahit igoogle mo pa), ibig sabihin relax na relax makakapagsulat ang mga kananeteng estudyante at buong laya nilang maipapatong ang kanilang buong kamay sa sulatan.
Maaari pa silang pasipol-sipol na magsulat habang nakasandal ang likuran. Samantalang ako kailangan pang yumuko,tumagilid,bumalikwas, tumambling para lang makapag sulat ng maayos. Tapos aasarin kapa ng mga kaeskwela mo na ang ganda daw ng sulat ko, parang sulat babae, babaeng manok! Kung hindi pa naisipan ng magulang ko na magpasadya ng upuan mula sa west coast custom pimp my ride at dahlin sa eskwelahan e malamang naging katropa ko na mga ninja turtles at ang kampanerang kuba. teka pano nga ba natutulog ang mga kuba?

Grade one naman ng magkaroon ng school project, magdala raw ng mga lumang magazines a peryodiko.
Gumupit daw ng kahit anong bagay at idikit sa kwaderno, Gupit ng gupit dikit, walang hangang pagupit dikit. naramdaman ko nalang ang paghahapdi ng punong bahagi ng aking hinlalaki at hintuturo, hindi ko naman nagupit ang aking mga daliri, bagkus nanggaling pala ito sa hindi akmang hugis ng butas na nilulusutan ng mga daliri sa gunting. Ang gunting pala na gamit ko ay nakahulma lang para sa kanan. Awa ng Diyos umuwi ako noong puro band aid ang daliri.

Grade Six, nang nagkaroon ng program sa school,
nirequired ni P.E Teacher/Program Organizer/Choreographer na kailangan magparticipate ang lahat sa isang dance presentation sa darating na No Weed Smoking Week,(Hindi ko inimbento itong event na to promise ulit) dahil kasama ito sa final exam para sa subject nya. Sa kagustuhang makakuha ng mataas na marka at makapasa sa nasabing subject ay buong yabang akong umatend ng practice. 1,2,4,5,6,7,8,8,7,6,5,4,,,,,,,,"Hoy Mr.Ugat Puno, ganyan kaba talaga gumalaw?" lumingon sa likod, "Ikaw!" turo sa sarili "ako?".."Oo ikaw nga, baka gusto mo pa magdala ako ng Pressure cooker para lumambot ng konti ang galaw mo? Pareho bang kaliwa ang mga paa mo?" nilingon ko ang aking mga paa upang kumpirmahin kung totoo ang kanyang sinasabi ngunit nagkamali siya. Hindi man nya derektang sinabi na ang tanga ko sumayaw dahil sa kaliwete ako, ngunit nasaktan parin ako dahil sa pagkagamit ng salitang kaliwa sa negatibong puna. Bumagsak ako sa subject nya, bago ko sya pinabagsak..Mula noon sinumpa ko na ang pagsasayaw, kaya itinuon ko nalang ang aking oras sa musika sa pagtugtug ng Guitara... Guitara na nilikha rin para sa mga kananete.. Nice!

College, Pinag solve ako sa Pisara ni Mr TrigoTology (propessor sa trigonometry na scientologist daw at kung ano anong shit ang pinagtuturo samin) Sa koleheyo madalas white board at white board marker ang gamit. Sagot gamit ang kaliwang kamay sa pagsulat,
Isip ng sagot....... sulat......(nabura ang sinulat)......sulat ulit.....(nabura ang sinulat).... kahit anong sulat ay agad naman itong nabubura ng sariling kamay na pinang sulat. Ang siste'y kaliwang kamay ang ginamit panulat, mula sa kaliwa ay magsusulat papakanan, at dahil white board marker nga ang gamit at madaling mabura, ay agad na nabubura ang anu mang sinulat, Sir sorry I dont know the answer. Sabay sabi ng scientology is the answer. wasak!

Nito nalang huli ng muli kong mapatunayan na ang mundong ito ay nilikha lamang para sa mga kanan.
Kung kelan mayaman na ako at akala ko'y hindi na ako maapektohan ng hindi pagkakapatas ng mundo.
Nangyaring tinamad na ako sa kalaro ko sa chess dahil puro talo, kahit may partida na kaliwang kamay lang ang gagamitin ko hindi parin nananalo. Kaya naisipan kong maglaro ng Golf. Pumunta sa talipapa para bumili ng golf club, mantakin mo ba naman pati ba naman sa bisyo ng mga mayayaman pabor parin sa mga kanan, Nagpasadya nalang ako ng mga pamalong pang kaliwete. Ayoko sabi ko, bibili nalang ako ng baril para mag firing. Pumasyal sa maguindanao para magshoping ng baril. Inabot ng isang lalaking mukang abusayaff ang isang colt 45 na baril at pinliwanag ang mga safety features nito habang nag sasalita ito ay sige ko namang asinta sa kanya gamit ang kaliwang kamay, Nasa bandang kaliwwwwww....Booooomm!!! aaaaahhhhhh
tumumba ang lalaki na may tama ng bala sa dibdib. Ibig nya palang ipaliwanag sakin na nasa bandang kaliwa ang safety lock ng baril, At dahil ang safety lock na ito ay mahirap galiwin ng hintuturo ng katulad kong kaliwete di katulad pag nasa kanan, ay di ko agad nagawang mailock, ayun trahedya.

Nandito ako ngayon sa Bilanguan, Naghihimas ng !@##$ sa kaliwa at tissue sa kanan
sa saliw ang musika ng

Eraserheads na Kaliwete

Noong nagsama tayo
Ay kanan ang ginamit mo
Ngunit biglang natorete
Ikaw pala ay kaliwete
Sunod-sunod na kamalasan ang dumarating
Hindi ko na malaman kung pa'no ang gagawin
Sabi naman ni Rico J. Puno
Mag-ayos lang daw ng upo
Niyaya niya kami
Sa kubeta
Mata ay lumuwa sa nakita
O bakit ba ganyan
Buhay ng tao
Mag-ingat ka na lang
Baka ika'y makarma oh
Niyaya siyang lumabas kahapon ngunit ayaw niya
Hindi niya raw mahanap ang kapares ng bra niya
Sampung oras ka kung maligo
Pati ang kaluluwa mo'y babango
Niyaya niya kami sa kubeta
Mata ay lumuwa sa nakita
O bakit pa ba may kulay ang tao
Hindi mo na alam
Kung anu-ano at sino-sino
Noong nagsama tayo
Ay kanan ang ginamit mo
Ngunit biglang natorete
Ikaw pala ay kaliwete

Credits:
Kontrabida memes

Eraserheads



Thursday, October 4, 2012

Mala buwis buhay na pakikibaka sa umaga



4:30 am Kring! kring! Kring!....
Lintik talagang alarm clock to, kahit kelan talaga napaka killjoy! Kung kelan naman kasi napakaganda na ng panaginip mo e sya namang pangbubulahaw nito sayo para lang paalalahanan kang gumising na't magbanat kana ng buto. (kukunin ang shotgun na nakakubli sa ilalim ng unan at papuputukan ang Cell phone na sa kasalukuyang nanggagambala sa sana'y mala paraisong panaginip)

4:35 am Tok! Tok! Tok!
"Anak gising na, 5:35 na!" Si Ermats second emotion sa bwisit na alarm clock ko. Mapapansing Advance ang oras na isisigaw nya sayo, para kung sakaling hindi mo talaga alam ang totoong oras ay talagang may pagkaranta kang babangon dahil dito. Kulang nalang ito ang sabihin nya; "Anak gising na nasusunog ang bahay natin!" O kaya "Anak gising na manganganak na ang Tatay mo!" O di naman kaya "Anak gising na nandyan na si Papa Jesus sinusundo na tayo, End of the world na daw!" Wasak! Nak ng teteng! Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit noong bata pa ako ay halos magaway din kami kapag pinipilit nya akong matulog sa tanghali, hanggang ngayon ba naman e halos isumpa mo parin sya sa pang gigising na ginagawa nya sayo ngayon.

Lamukos ng muka ng may pagkainis.
"Opo gising na po, nag iin-in lang ng konti babangon na rin po!" sagot ko, biglang dapa, baltak ng kumot, patung ng unan sa likod ng ulo, pikit sabay dasal sa mga bathala ng mga ilusyon na manunbalik sana ang kaninang panaginip na pinutol ng isang bagay na kalaban ng ating henerasyon sa umaga ang "Alarm Clock"

4:45 am Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok!....
Heto nanaman sya, hindi ka talaga titigilan. Parang isang programa sa telebisyon ng isang sikat na news caster at komentarista sa radyo na may hasyenda ng plema sa lalamunan at pirming nasasamid, pero hindi naman nakakaligtang magpasin tabi, "Excuse me po!". Ito ang Imbalsamador  "Hindi ka namin Tatantanan".

Nagamit ko na ang isang life line ko,
patuloy ang pag tunog at nginig ng Alarm clock sa harap ko.
Hihirit paba ako ng isa o susuko na,
panu ang di pa nahuhukay na panaginip?

Anouncer: Anung diskarte mo?
                  Esep,Esep.. 5seconds 4... 3... 2... 1
                  Anong disisyon mo?
                  Deal or no deal?
                  is that your final answer?

         Ako: gagamit pa ako ng isa pang life line, thats my final answer.

Tutunog ang malakas na sounds at magliliwanag ang paligid sa kisap mata't didilim sabay tatahimik,
Pikit sabay hilik ulit.


4:55 am Tooottottottottotootototoot!
Maaalimpungatan, Ikikilos ng dahan dahan ang mga kamay patungo kung saan. kahit madilim ang kwarto ay otomatiko paring matutunton ng mga kamay ang kinalalagyan ng bagay na tumutunog. Ang mas nakakabilib pa rito ay kung paano naisasakto ng mga inaantok pang mga daliri na mapindot ang isang botton kahit nakapikit. Ang Botton palang ito ay tinatawag na "Snooze botton".
Snooze - A short, light sleep, esp. during the day; a nap. (hindi ko ginoogle yan promise). Hindi ko alam kung may bato balani (magnet) ba ang botton na ito o sadyang may manamumuong mutwal na ugnayan o pag ibig ang nasabing botton at ng aking daliri. Teka speaking of pag ibig, Tip: wag kang maniwala sa manliligaw o maging sa syota mo pag sinabi nyang mukha mo ang unang nakikita nya at ikaw ang unang naiisip nya unang bagay sa umaga. Pucha! Pusta ko ang unan kong amoy laway at gulagulanit kong kumot, Ginogoyo kalang nun dahil "Snooze botton" lang ang una nyang nakikita at ang patahimikin ito sa pamamagitan ng pagfinger dito ang una nyang naiisip first thing in the morning. Papaling muli sa isang komportableng posisyon, sabay balikwas ng tulog..zZZzZZzzZZ


5:05 am ♪ ♫ ♬ Opa gangnam style ♪ ♫ ♬
Tangina this! panu naging ganito ang alert tone ng alarm ko. Nak ng teteng!
Wala parin sa wisho, pakiramdam ko'y kaya pang humirit.
Pindot ulit sa aking kaibigang nagbibigay ng panandaliang kaligayahan.

Scene: Nasa isang Spa / massage parlor, Medyo mausok ang lugar, hindi halos makaaninag sa may kakapalang hamog. Nakadapa sa isang komportableng kama ng walang saplot, natatakpan lang ng puting puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Mula sa langitngit ng pintuan sa kalayuan ay may nabakas na liwanag, ilang saglit lang ay may isang anino ang bumungad, sa kapal ng hamog ay medyo malabo ang hitsura ng bagay mula sa malayo. Naglakad papalapit ang anino patungo sa aking kinalalagyan, dahan dahan. Dahan dahan din itong nagkakaroon ng hugis, higis ng isang babae na sa mga videoke machine o sa isang fashion show mo lang kadalasang makikita. Ilang metro na ang kanyang nalakbay nang bigla syang huminto at tila nang aakit. Walang limang segundo ay nagpatuloy sya muling lumakad sa aking direksyon. Sa mga panahon yon ay medyo pawisan na ang hindi magkandatuto kong katawan. Makailang hakbang pa sa bigla pagkagulat na ang isang anino'y naging dalawa. Sa pagkabigla'y bigla rin ako napa balikwas at tila may nahulog na bagay sa aking tagiliran, hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa panonood sa mga nilalang nang may pagkasabik. Lunok ng laway at nagpunas ng pawis sa bandang noo. maya maya lang ay nasa tabi na ng kama ang dalawang anghel. Pinaikot-ikutan ako ng dalawa. Ang isa ay may hawak na balahibong puti na paminsan-minsan ay pinasasayad sa pawisan kong katawan, at ang isa nama'y may dalang langis at nagsimula nang pahiran ang aking mga pagod na binti. Patuloy ang pag pahid ng lana at pagdampi ng puti balahibo sa aking katawan ng dalawa, Nang biglang sa kaninang liwanag na pinanggalingan ng dalawa'y muling may nabakas. hindi ko na ito masyadong pinansin, Kung ito'y pangatlong anghel na lalapit sakin ay hindi ko na pinagkaabalahan, sa isip isip ko'y isa nga lang ay solb na. Nagpatuloy sila sa kanilang mga ginagawa, ang isa'y patuloy napapalapit sa akin. Maya maya lang ay nakalapit na ang pangatlong langit, Sa kalapitan ay mababakas na hindi ito kamukha ng mga anghel kanina. Sa pagkakangalay sa pagkakadapa at sa kagustuhan ding makita ang hitsura ng aking 3 bagong kaibigan ay dahan dahan akong pumaling papahiga. Dahan dahan ang aking ikot para humiga. Maya maya ay ang tatlo'y biglang nagvolt-in naging isang Malaking babae sabay sigaw at sampal sa aking pisnge...

6:00 am Hoy!!! Punyeta ka!!! Papasok kaba?!!! Gumising kana late kana naman sa trabaho mo! Alas 6 na!!!

Matataranta at hahanapin ang cellphone para tingnan ang tamang oras, pero hindi nya ito makita sa kanyang kama.

Ayun sa sahig!!! sigaw muli nito.

Kamut ulo.. ito pala yung kaninang bagay na tila nahulog pagbalikwas ko kanina. Pulot ng hiwa-hiwalay na telepono, kabit ng nakabaklas na baterya pindot ng power botton, HOMAYGAD!!! Alas 6 na nga. Dali dali bumangon sabay bihis.. walang ligo, mumog hilamos lang.. Ika nga sa kanta ng napakabangis na bandang Giniling Festival..
♪ ♫ ♬Ang hari ng metal ay hindi naliligo♪ ♫ ♬ 


6:05 am Labas ng bahay pasok sa trabaho.. "Magsi tabi kayo dadaan ang hari ng Metal"





Sunday, August 26, 2012

Nilamon ng Sistema






















Nawala na ang dating
makulit na takbo ng isip
at magagandang mga panaginip

Naglaho na ang mga makukulay na Ideya
at di na mahuhukay sa alaala

Ginunaw na ng panahon 
ang mga laman ng isipan na
dati'y malinaw ngayon'y Natunaw

Iginapos hangang sa tuluyang maupos
ang kalayaan na dati ay puspos at taos
Ngunit ngayon ay naubos

Tuluyan nang tinangay ng hangin
ang mga Sariling gawi
at malayang pagsuri


Nasaan na nga ba?
Napano na nga ba?
Sino ang may gawa?
Sino ang may sala?

Napakaraming katanungan
Nag-ugat sa kalituhan
Mahirap malaman ang kahihinatnan

Kaya't di na ninais na magtanong pa
Kung sinong may Mali at
Kung sinong may Tama
O kung may ipanaglalaban pa nga ba?
Pagkat ako'y NILAMON NA NG SISTEMA







Urbankuneho 8/26/12

Untitled


Pasensya na
Di kasi uso sakin ang salitang "USO"
Di agad sumasang ayon sa naaayon sa panahon
Salungat sa agos
At di nagpapatangay sa daloy
walang pakialam sa mga mahilig makialam

Pasensya na
Pagkat ako'y Isang "INDIBIDWAL"
Na nagmamasid, nanonood
pero di agad nagpapaanod
Nakatanaw, nakikinig
ngunit di dagliang papanig
nakatingin, nagbabasa
ngunit di nagpapadikta sa tinta
Nakakaramdam ng sakit
subalit mas pinipiling pumikit
at namnamin ang pait

Pasenya na
pagkat ako'y isang "TAO"
May sariling sayaw, sariling galaw
May sariling Tugtog at musika
May sariling Boses at Pag iisip..

Di ko sinasabing ako'y "NAIIBA"
Gamitin ang kalayaang "PUMUNA" 

Sunday, October 17, 2010

♪ ♪ ♪ We wish you ahahahaha and a Happy new year♪ ♪ ♪

Nagising ako sa isang malakas na boses ng isang babae na wari'y nanalo sa lotto sa sobrang saya. Hindi pa ito nagkasya at nagpatugtug pa ito ng isang pamilyar na musikang minsan sa isang taon mo lang mapapakinggan. Merry Chrismas!!! Ang malakas na sigaw ni ermats sabay lundag sa aking kama at niyayakap-yakap pa ako. Sa aking pagkagulat ay agad kong kinuha ang aking cellphone upang tingnan ang oras at petsa.  Sa isip isip ko kasi baka naparami ang nainum namin kagabi ng barkada ko at nakatulog ako ng mahabahabang panahon, at pagkagising ay pasko na agad. 6:00 am, September 5, 2010 sunday, Kamot ulo, lakas talagang ng trip nito ni ermats, sino ba namang mabuting ina ang mangbubulahaw sa umaga ng anak upang batiin ng maligayang pasko sa buwan ng septyembre? Si ermat lang ata. Bunso bangon na, nakahanda na ang pagkain mo sa lamesa, tsaka linggo ngayon magsisimba na tayo. Ang sabi ni ermats habang palabas ng aking kwarto. Hay, ang sarap talagang maging bunso. hehehe babangon nalang at kakain. Naiwang bukas ni ermats ang pinto ng aking kwarto, ito ang nag bigay daan para marinig ko ng malinaw ang pamaskong soundtrip  nya. Iba ang pakiramdam pag nakakarinig ako ng ganitong musika sa umaga. Parang bumabalik ako sa pagkabata. Yung pakiramdam nung bata kapa na sa tuwing pasko mo lang mararamdaman. Masaya, puno ng pag asa, hindi mo maipaliwanag. Makabangon na nga at maghahanap pa ako ng malaking medyas na maisasabit malapit sa bintana. malaki para mas maraming mailagay si santa. XD

Bangon, tiklop ng kumot, salansang ng mga unan, patay ng erkon este elektrik pan lang pala, labas ng kwarto, hilamos, mumog sabay kain. Ayus sinangag itlog at tusinong naliligo sa mantika. healthy hehehe. Pag katapos kumain tambay muna sa labas habang nagkakape. Maaga pa naman, mya mya na ako maliligo para mag simba. Habang nakatamabay ay nakita ko ang isa sa mga kainuman ko kagabi. Ang kaibigan kong si Bugoy, naalala ko tuloy ang mga pinagtatalunan  ng barkada namin sa inuman kagabi. Ang pagiging Atheist nya. Wala raw siyang pinaniniwalaang taga likha. Ang nanay at tatay daw nya ang lumikha sa kanya. Tigas ng pagpapaniwala nya sa amin na wala siyang pinaniniwalaan.Naawa ako bigla sa kaibigan ko. naisip ko kung wala siyang pinaniniwalaang tagalikha? wala rin siyang Diyos? wala rin syang Cristo, e di wala rin syang pasko? Teka nga, paano nga ba magcecelebrate ng pasko ang isang Atheist dito sa isang bansang napakahaba ng selebrasyon ng pasko? Hmmmm...Tumatanggap kaya ng christmas bonus ang mga Atheist? Pumapasok kaya sila sa trabaho tuwing christmas break? Umaatend kaya sila sa mga christmas party? nakakatanggap kaya sila ng christmas gifts? Panu kaya sila magshoshopping sa mall pag christmas season e puro christmas sales ang mga tinda dito? hindi kaya sila nabuburyong sa mga christmas songs na paulit-ulit pinapatugtug sa radio? Anu kaya ang kinakain nila pag pasko? bibingka puto bungbong? Galante kaya ang mga Atheist magbigay sa mga nagcacaroling? May mga inaanak kaya sila na binibigyan ng aguinaldo? Aaaaarrrrggggg!!! !@#$%^ sakit ng ulo ko. lakas na  nga ng hang over ko pinoproblema ko pa kung pano magpasko ang Atheist. makaligo na nga, tatanong ko nalang kay pastor.

Thursday, September 9, 2010

ANG BADTRIP NA PUSA MO



Badtrip!!! Asar na gabi to oh, ang lamig-lamig, di tuloy ako makatolug ang lakas kasi ng ulan. Pero hindi naman talaga iyon ang ikinababadtrip ko eh. Sa mga ganitong malakas kasi ang ulan, E sigurado pa sa pagsikat ng araw bukas na may tutulo nanaman sa kisame ng kwarto ko. Kakamot-kamot ulo akong bumangon dahil ang kaasaran kasi na iyon ay manganganak pa ng isa pang kabadtripan. Mantakin mo naman kasing parang may bathala ng butas na bubong ang nagkokontrol sa mga tulo ng kwarto ko.Daig pa nito ang mga taong labas (NPA = No Permanent Address) kung mag palipat-lipat sila ng pwesto. Nung una iisa lang sya, tapos naging dalawa sila,naging tatlo,lima,pito na sila. Note: Mapapansing ginamitan ko sila ng mga pang halip panao na "sya" at "sila". Sapagkat parang may sariling buhay at pagiisip ang mga ito. Kung minsan kasi na kung akala mong naitapat mo na ang mga balde,tupperware, kasirola,lata o arinolang pangsahod mo at akala mong pwede kanang makatulog, ay sya namang paglipat ng pwesto ng mga ito. At kung minsan ay parang nananadya pa ang mga ito at sa mismong ulo mo papatak. Lalamukusin ang muka ng may pagkainis (facepalm) at padabog na babangon. Lubhang napakarami na ng mga kalaban kapitan, ang pagbibiro ko sa sarili sa pamamagitan ng isip. ABANDON SHIP!!! Utos ng kapitan. Lalabas ng kwarto ng may bitbit na salbabida este unan at kumot. Sa sala nanaman ako matutulog badtrip!!! Pero ok na rin un. Mag cocomputer nalang muna ako. AYAY CAPTAIN!!! (sagot ni spongebob sa capitan) sabay saludo.

Oh bakit ka may dalang unan at kumot? May mga tulo parin ba sa kisame ng kwarto mo? Si ermat pala nagtatanong.  Opo eh, mas lumala pa ata, may pagkagulat kong sagot. Badtrip saisip-isp ko, hindi pa pala ako makakagamit ng computer gising pa si ermats. Gising pa kasi sya sa mga ganitong oras kahit medyo malalim na ang gabi. Nanonood pa kasi sya ng mga walang kamatayang telenovela sa TV. Hayysss!!! lintik din naman ang mga programang yun ngayon sa telebisyon, ang habahaba ng oras nila sa ere. Sobrang habang oras ng kabaduyan at kawalang kwentahan. E halos pare-pareho lang naman ang tema ng mga ito, Kung hindi Pantaseryeng mula sa lumang komiks, E mga Koreanovelang nilagyan ng boses sa tagalog. Pero teka, may mga nabago na nga pala sa mga iyon. Dahil mismong artistang pinoy na ang mga gumaganap sa mga Singkitnovelang ginawan ng Pinoy version. Hayyy originality, kelan kaba makikilala ng mga pinoy. Bilib din naman ako sa mga himpilang nagpapalabas ng mga ito, sa panggagayang ginagawa nila ay daig pa nila ang mga nagbebenta ng pireted DVD sa tower recto at cariedo.

DVD vendor: Dibide,dibide
       
           Buyer: Malinaw ba yan pre? 

DVD vendor: Opo Ser, original copy yan eh.

*ORIGINAL*

Ganun ba? sya sige tatapusin ko muna itong pinapanood kong telenovela at ang ganda kasi, Inagaw na kasi ni RUBI si Jhonny kay Jenny, ayan tuloy at nagalit si DARNA kay AGUA. Promise anak pwede kanang matulog pagkatapos nito.




Hindi ba't sabi ng karpinterong nagpalit ng yero nating nung nakaraan ay babalikan nya ang mga tulo sa kwarto mo para ayusing muli? Si ermats uli nagtatanong ukol dun sa karpinterong sablay na gumawa sa bubong namin. Ay opo ma, hindi pa nya binabalikam eh, baka busy pa sya. malumanay kong tugon para hindi na humaba ang usapan tungkol sa nasabing karpintero at ma highblood pa si ermats. Medyo mabilis na kasi uminit ang ulo ni ermats ngayon dala ng katandaan. Baka naman may umaakayat parin diyan sa bubong natin mula sa kapitbahay kaya lalung lumala ang tulo sa kwerto mo? Ang medyo mataas na boses na tonong ni ermats. Nagkasagutan na kasi sila ng kapit bahay naming mayanam dyan sa kabila na mismong katabi lang ng aming bahay. Yun nga lang at dalawang palapag ang kanilang tahanan, samantalang ang amin ay isa lang. Malimit kasi nilang apakan ang bubong ng aming bahay ng walang paalam sa tuwing magsasampay sila ng mga damit sa terrace nila. Dito ay literal na kinakasangkapan at tinatapakan ng mayaman ang mahirap. Ang buhay nga naman oo. Nuong una, inakala kong naglalampungang pusa lamang ang kumakalabog sa aming bubong.Ngunit bigla kong naisip, sino ba namang mga kamaganak
ni Felix d'cat at hello kitty ang mag a-eyeball at gagarahe sa katirikan ng katanghalian. Ang alam ko kasi sa gabi lagi ang date ng mga kaliga ni Sylvestre. Ito ang nag-udyok sa akin upang labasin at imbestigahan ang eksena sa aming bubungan. Howlie Syeettt!!! Pussycat doll, Pusa nga!!! Hello kitty na daster suot ng kababata ko habang nagsasampay ng kanyang uneporme. "Aytot aysi a putikat" sa isip-isip ko. At dahil nga ang object ay elivated mula sa viewer, ay pwede kanang mag isip ng kulay. Kulay berde, malamang kulay berde na ang pagiisip mo ngayon. Tirik ang mata sa katirikan ng araw. Sa pangyayaring ito ay napatunayan kong mali pala ang kasabihang "Ang buhay ay parang gulong, Minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim." Minsan pala ay parang gusto mong barilin ang gulong para mapflat ito at nasa ilalim kanalang lagi. Ma, pusa nalang po talaga ang umaakyat ngayon sa bobung natin promizzz. (habang nakaposing na parang nagpapapicture na haponesa. naka peace sign malapit sa muka)

Wednesday, September 1, 2010

Sa pagtangis ng langit


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasan ang pananabik.

Sa lamig ng paligid, 
ay wala kang alpas sa mga gunitang tila hamog na humahalik sayong mga bisig.
yakap sa sarili ang magpapanatag ng mga ito.

Sa musikang dulot ng mga patak ng ulan at mga tilamsik na likha nito,
ay di maaaring alisin sa isip ang luha. Guguhit ito pababa sa mga dahon at mababasag sa bato.
Marahang itataas ang balikat na may manggas, upang idampi sa pisnging tubigan.


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasan ang galit.

Sa paminsan-minsang pagliwanag ng kalangitan at pagputi ng paligid sa kisap mata,
tila isang balik tanaw sa litrato ng nakaraang negatibo,
Isang pikit sa tagpong sumilaw at bumulag .


Sa kabang dulot ng dagundong ng kalawakan,
wari'y mga malulutong na mura at sumpa,
agresibong panggising sa kahapong tahimik at bingi sa katotohanan.


Sa pagtangis ng langit 
Minsa'y di maiwasang umasa.

Sa bawat sagitsit ng nagngangalit na hangin,
ay siyang kalas ng mga dahong tanda ng nakalipas. 
ilalayo hanggang sa hindi tanaw ng isipan.

Sa dilim ng kalangitan dulot ng kumpol ng mga ulap na yumayakap sa buwan,
pahiwatig sa bawat balakid na halos sumabog sa dibdib.
Isang malalim na buntong hininga ng pagpapalaya at kapanatagan.

Urbankuneho
Sept. 2, 2010

Wednesday, August 11, 2010

deliryo

San ka galing?

Doon sa tambakan, nangalakal.

Marami kaba nakalakal?

Kakaonti lang, abot dalawampung piso lang. Ang lalakas kasi mang "backs out" ng mga matatanda doon eh. Pero ayus lang yun may bukas pa naman. Hindi pa nga ako nag aalmusal at nananghalian, mejo nahihilo na nga ako eh.

Bakit hindi ka naman kumain kanina?

Sunod sunod kasi yung dating ng track sa tambakan eh, kung kakain pa ako malamang wala na akong maabutan doon. Sayang naman, Ang dami na rin kasi nangangalakal ngayon.

Wala bang pag kain jan sa hapag nyo?

Wala eh, panis na kanin mula kagabi lang ang laman ng kaldero, mamaya ibibigay ko nalang yun kay aling delya pang pakain sa baboy nila.

Hindi ba nag luto ang Ate mo?

Naku hindi mo yun maasahang mag luto, puyat kasi yun galing sa trabaho nya sa club. At kung magluluto man yun, para sa kanila lang ng asawa nyang tulak ng marijauna at shabu dito samin. Minsan nga hindi na ako makapanglakal, kasi sakin pa pinapabantay yung mga anak nilang sila chuchay at bugoy. 

Eh kamusta naman pala ang kuya mo ngayon?

Si kuya? Ayun, hindi parin nakakalaya. nakulong kasi sya nung agawin daw nya yung bag ng studyanteng nakaputi dyan sa overpass ng Litex. Bugbog sarado na nga  sya ng taong bayan nung nacorner sya sa may manggahan nun, binugbog pa daw sya ng mga pulis sa stasyon nila. minsan dumadaan ako dun pagkagaling ko sa tambakan, pagkain na agad ang binibigay ko sa kanya, kasi minsan daw pag pera ang binigay mo ay kukunin lang ng mga Pulis yun.


Eh ikaw, bakit hindi ka ba nag aaral?

Grade 2 na sana ako sa pasukan , pero sabi kasi ni nanay, hindi naman na daw kailangang ng deploma para malaman ang pagkakaiba ng bakal sa plastik at tanso sa aluminum. Tapos paglaki ko naman daw pagtitinda lang din ng droga ang magiging trabaho ko tama na daw yung marunong ako magdagdag at magbawas. kaya pinahinto na nya ako sa pag aaral.

Ganun ba? Tara laro muna tayo sa labas. Para sumaya ka naman kahit konti.

Ayoko. baka walang maabutang tao dito si nanay eh. magagalit yun.

Hindi magagalit yun. minsan ka lang naman mag sasaya eh. maiiintindihan niya yan.

Ayoko baka bugbugin nanaman ako nun. Hindi pa nga gumagaling yung paso ng plantsa at latay ng tambo sa likod ko eh, baka madagdagan nanaman. Pero ayus lang yun, kasalanan ko rin naman kaya ako sinaktan ng nanay. lilimang piso lang kasi ang nabigay ko sa kanya na pinagbentahan ng kalakal. Mejo sumakit kasi yung tiyan ko nung kinain ko yung pagkaing nakakal ko sa tambakan,
ayan tuloy nag tae at na suka ako kaya hindi ako masyado nakapangalakal ng maayus.

Sige na dyan lang naman tayo sa tapat marlalaro eh. hindi magagalit yun.

Ayaw ko ikaw nalang. Sige na mag sasaing pa ako ng kanin  para pag dating ng nanay ay may makakain na agad sya pagkagaling sa sugalan.

HOYY!!! PUTANG INA KANG BATA KA!!! tumayo kanga dyan. sino kausap mo? nagdodoroga ka na rin ba?
Nagsaing ka naba??
Magkano kinita mo sa pangangalakal? Akin na nga at nang makabawi ako dun sa mga putang inang mga kalaban ko, mga mandarambong ata yung mga yun. Bilisan mo't ihanda mo ang mga parapernalya ng droga dyan at nanjan si kadyo gagamit daw sila ng mga tropa nya, pag silbihan mo sila ng maayos at baka hindi na sila dito pumuwesto. malilintikan ka sakin. 

Papungas-pungas na bumangon ang bata para iabot ang pera sa ina at mag silbi sa mga parokyano ng droga sa kanilang bahay.

Sunday, August 8, 2010

Ang Pakikipagsapalaran ni Ninja Coollero. (unang bahagi)

Bumangon kana nga diyan coollero at mag sanay kana sa gubat, para hindi ka naman pasablay sablay sa mga ginagawa mo. Wika ng Inang nya. Nak ng teteng naman o ganda ganda ng panaginip ko eh, storbo naman kayo. Nananaginip ng dalawang babae raw ang kasama ko sa isang motor hotel sa dulo ng Edsa, at biglang may kumakatok sa pinto ng silid at ang sabi ay "extend pa po? may nabawas ba sa ref?" ang ina ko na pala ang naririnig kong kumakatok badtrip naman o. Opo babangon na po. tugon ni Coollero. "Bago ka nga pala tumuloy sa pag eensayo mo e idaan mo muna itong sisidlan ng pag kain ng ama mo sa parang, malamang gutom na yun at wala pang almusal un". "Opo ipatong nyo nalang po sa aking mga gamit", tugon ni coollero habang nag hihilamos. Lintik naman o ayaw ko naman talagang maging ninja e pilit kasi ng pilit itong erpats kong frustrated ninja, kung hindi lang dahil sa nandun ang kababata kong si Hiwa ay hindi ako pag aaksayahang ng pagod ang pagiging ninja. Mas masarap pang mamitas ng bayabas o kaya mag facebook at mag dota o mag plants vs zombies nalang. "Ina aalis na po ako". "Mag iingat ka anak ha. galingan mo sa pag eensayo para matuwa naman ang ama mo sayo". Kamot ulo lang ang huling nagawa niya habang papalayo sa ina.

Maganda ang ngiti ng haring araw nang umagang yaon. Subalit malayo-layo rin ang gubat mula sa bahay nila, kaya kada umagang may ensayo sya ay kunut noo at simangot lagi ang mababanaag sa kanyang muka. Mas domoble kasi ang pasakit nya ngayon dahil kailangan pa niyang ihatid sa ama nya ang pagkain nito. mga ilang kilometro rin ang layo nito hanggang gubat. Ilang kilometro mula sa kanilang tahanan ay may madadaanang syang isang talon at batis. Dito sila madalas mag laro noon ng kababata nyang si Hiwa, pero hindi na ngaun. sapagkat halos matuyo na ang batis at talon na iyon. sabi kasi ng mga matatanda sa kanilang lugar ay napapa ilalim na daw ang nasabing talon at batis sa kapang yarihan ng isang makapangyarihang itim na ninja. Isang ninjang dati nilang kalahi, ngunit naghari ang ganid sa isipan at ninais maging mas makapangyarihan sa lahat. Taglay nito ang kapangyarihan ng kulay itim na dragon. Natamo nya ito sa pamamagitan ng pag paslang sa isang dambuhalang dragon sa malayong kanluran. Kaya ngayon ay Binansagan syang Ninja DragOn. At dahil sa kanyang matagal na pag lalakbay sa labas ng kanilang bansa, ay kakatwang hirap na mag salita ng lenggwahe nila ang nasabing itim na ninja. Nais daw nitong maghari sa payapa nilang  republika. Sabi ko naman anung pinagsasabi nyong kapangyarihan? epekto ng global warming yan mga tanga ba kayo? tapon kasi kayo ng tapon ng basura sa  mga ilog at putol ng putol ng puno para gawing sandata. yan tuloy hindi ko na makikitang naka bathing suit si hiwa ngayon. badtrip kasi kayo eh. Tototooott.

hhhwwwaaaattttaaaahhh!!! eessssshhhhh.....TSUK!!!
Isang shuriken ang muntik nang tumama sa kanyang sintido buti nalang at nailagan nya agad at napaupo sa paanan ng isang malaking puno. Nagkaroon ng hiwa ang gitnang bahgi ng kanyang buhok dahil sa shuriken na tumusok naman sa punong kinauupuan nya. Nanginginig nyang sinuri ang paligid. Ilang segundo siyang nakiramdam at hindi gumagalaw mula sa pagkakaupo. Isang pamilyar na halakhak ang kanyang narinig. tahahahahahaha!!! tawa ng isang babaeng patapon. Dito na napalagay ang kanyang loob nang malamang si Hiwa lang pala ang may kagagawan ng kanyang pagkatakot. Mula sa kakahuyan ay lumabas na si hiwa upang lumapit sa kanya. Tila isang hunyango syang nagpalit ng kulay upang makita ni Coollero. Kaw talaga Hiwa hindi ka parin nag babago, lagi mo parin ako pinaglalaruan, kamot ulong wika ni Coollero. Patuloy parin ang makapangwasak at nakakarinding tawa ng kanyang kababata habang lumalapit sa kanya. Suot nito ang paburito nitong pepe short at sandong puti na nakalaglag ang parteng balikat, at pinapakita ang strap ng kanyang bra. At dahil nga maiksi ang suot na pang ibaba ng kababata ay tanaw na tanaw niya ang peklat nitong hugis ekis sa tuhod. Natamo nya ang peklat noong bata pa sila ni coollero at naglalaro sa bayabasan, naglalaro sila noon ng bahay bahayan. Nang sinubukang pagdikitin ni Coollero ang tuhod ni Hiwa ay biglang pagdudugo naman nito, "sabi ko naman sayo eh dahan dahanin mo lang" wika noon ng kababata. Simula noon ito na ang ginagamit na pang ganti at pang patahimik kay Hiwa tuwing nag tutuksuhan ang mga ito. Naka pepe short ka nanaman, pinapakita mo nanaman yang hiwa mo. pang aasar nya sa kababatang babae habang papalapit sa kanya. kumunot ng noo ang dalaga at muli sya nitong tinira ng isang bombang kulay itim, BOOOOM!!! At dahil dito ay nagmukang uling ang pag mumuka nya dahil sa bomba. hindi na to mabiro habang uubo ubo pa syang nagsasalita. Kaw naman ang nag simula ah. mula kay coollero. Diba sabi ko sayo wag na wag mo nang titingnan ang hiwa ko. sabi ng kanyang kababata habang angat angat nya ang kwelyo nito. Nakalutang pa ang mga paa mula sa pagkakakwelyo ng kababata, habang humihingi ng tawad dito. Kaw naman HIWAGA o hindi kana mabiro,(Hiwaga nga pala ang buong pangalan ng kanyang kababata.) hindi ko na uulitin, sorry na. ang paghingi ng tawad ng ninjang sablay. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, si Hiwa habang biglang bitiw sa pagkaka angat sa kanya at sya namang pagka balibag sa kanya sa lupa una ang puwit. aruy naku po!!! Saan kaba papunta at mali ata ang daan mo? diba may ensayo tayo ngayon sa gubat? tanong ni hiwa habang naka nakatayo sa harap ni Coollero. Ahh oo habang nakayukong sumagagot sa kaibigan. Idadaan ko muna itong pagkain ng aking ama doon sa parang, habang pasulyap-sulyap sa babang bahagi ng short ng kaibigan ninja. nangingiti-ngiti sya habang ginagawa ito. Ganun ba? tena samahan na kita sa tatay mo tapos sabay na tayong pumunta sa ensayo, medyo maaga pa naman eh tsaka isa pa may pagka tanga kapa naman, baka may makasalubong kapang kampon ng makapangyarihang itim na ninja, sisihin ko pa sarili ko pag nang yari yun. Alok ng kaibigang ninja na may hiwa sa tuhod. Agad agad namang tumayo si mokong sabay sabi ng "sabi ko na ba may crush ka rin sa akin eh" nangingintab ang mata habang nakangiti sa babae. Itinaas ng dalaga ang tatlong pirasong shuriken at  binahig sa pagitan ng mga daliri upang ipang takot sa kababata, sabay tanong ng "ito gusto mo?" tinutukoy ang tatlong pirasong hugis bituin na sandata. Nangiti lang ang pilyong ninja at sabay sabing tara na nga Ninja hiwa sabay tingin sa tuhod ng dalaga. habang tatawa tawa.  Isang matulis na cobra fist ang dumapo sa noo ng kaawawang ninja na halos ikawala ng kanyang ulirat, lumakad na papalayo ang babaeng ninja habang pa ekis ekis sumunod ang mahilo hilong pobreng binata.

Pasipol-sipol na naglalakad ang sablay na ninja habang pinagmamasdan ang likod ng nauunang kababata. Ang laki  na kasi ng pinagbago ng hinsura nito. Kung dati ay malaking damit at mahabang pangbaba ang laging suot nito, Ngayon ay halos kaselanan nalang ang tinatakpan ng mga suot nito. Medyo sumisikip tuloy ang pantalon ng ninjang madumi ang isip.

"Ang ganda ng umaga no?" sabi ng dalagang nasa harap nya.

"Aaahhh ehh... mas maganda kapa sa umaga. may halong pangbobola nitong sagot.

Hindi ito pinansin ng kaibigang dalaga bagkus ay pumitas ito ng isang bulaklak sa gilid ng kanilang dinadaanan. Hinawi nito ang kanyang buhok sa bandang tenga at isinabit ang bulaklak na pinitas. Pinaling din ng dalaga ang kanyang lagpas balikat ng buhok papunta sa kanang bahagi paharap.
Nagbigay daan ito para masilayan ng binata ang maputing batok at medyo palalim ng likod ng kababata. Mamula mulang pinag mamasdan ng binata ang dalaga, Paminsan ay pinapasok ng binata ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon na parang may inaayos. Malayo layo na rin ang kanilang nalalakad nang muling mag salita ang dalaga.

"Alam mo maswerte ka". tinutukoy ng dalaga ang binata.
"Kumpleto ang pamilya mo at mahal na mahal ka nga mga magulang mo" kasunod na wika nito.
"Samantalang ako ito, walang magulang  patapon, pasalamat na nga lang ako at naging ninja ako, at kahit papaano eh nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko". Medyo madramang sentimiento ng kaibigan.

Hindi kaagad nakasagot ang lalaking ninja ninjahan. At tila tinamaan sa mga sinabi kaibigan. Ilang minutong umaalon sa isipan nya ang mga narinig. Saglit pa ay naalala nya ang mga paghihirap ng kanyang mga magulang sa kanya. Naalala nya  ang kwento ng kanyang mga magulang na hindi nya pag bitaw sa kanya nung sanggol pa lamang sya, habang ang kanyang ama naman eh nakikipag tuos sa mga kampon ni Kadyo na sumakop sa kanilang baryo noon. Si kadyo ay isang makapangyarihang demonyo na pinaniniwalaang kanang kamay ni Sta.NAS. Marami ang nasawi sa nasabing pag atake. kasama na rito ang mga magulang ni Hiwa.

Huminga ng malalim ang bogus na ninja...

I love my Mom and Dad... ang bulong ng mokong habang tulala at parang sinasaniban ng kung anung mabuting espirito...

Isang napakalupit na "one inch punch" mula kay Hiwaga ang dumapo sa kanyang dibdib na nagpabalik sa kanya sa tamang wisyo. "Puro ka kalokohan bilisan mo na nga sa pag lalakad medyo nahuhuli na tayo sa oras". pasigaw na sambit ng ninjang may pagkaEMO kanina.


Bago pa man makarating ang magkaibigan sa parang kung saan naroon ang ama ni ninja Coollero, ay may nadaanan silang isang lalaki na nakabihis pang ninja. may kababaan ang lalaki at may pagkabilugan ang katawan. Nakasalamin ito ng medyo makapal at may boses na pabulong na malamang ay ikahuhulog ng panty ng mga kababaihan. May grupo ng mga tao ang nag nakikinig sa kanyang mga sermon. Ang sermon nya ay tungkol sa kung paano magiging masaya ang buhay ng isang Ninja. Ito ang ilan sa mga nakasulat sa harap ng mga mga tao. 

1. Lower your standards.

2. Don't be yourself, become someone else.

3. Stop dreaming.

4. Don't fall in love, because it HURTS

5. Less talking, less fighting.

6. Try to buy happiness.


"Halika na nga mokong ka mahuhuli na tayo sa ating pagsasanay". Hinila ng dalaga ang braso ng kanyang kaibigan na halos hihiwalay sa katawan para mag patuloy na sa Parang papunta sa kanyang ama. "Bitiwan mo nga ang braso ko, nakakatsansing kana ha". bungad ni mokong habang ngiting asong nakatingin kay Hiwa. Binitiwan ng dalaga ang braso ni binata. Medyo namumula-mula ang dati'y maputi nitong pisngi.  Wag ka nga mag papaniwala sa mga tinuturo ng huwad na ninjang yun. hindi totoo ang mga pinag sasabi nun. sabi ng dalaga kay Coollero. May ilang tama naman ang mga pangaral nya ha. Pagkontra nito kay Hiwa. Yung una "lower your standards", kaya nga kita nagustuhan kasi binaba ko ang pagkilatis ko sa babae. kumunot ng muka ni Hiwaga at tila nag iipon ng chakra upang patahimikin ang kababata, pero tuloy parin ang binata sa pag eeksplika. Yung pangatlo "Stop dreaming", Humintong mangarap, tama rin yun, dahil simula ng nakilala kita hindi na ako nangarap ng iba pa. Bata pa lang tayo yun lang ang tanging pangarap ko. Natigilan si Hiwa sa huling narinig. Ang kaninang nag aalab na pwersa sa kanyang katawan ay biglang na lamang natunaw. (papasok ang erikas ballad mula sa daimos) Humarap si Coollero kay Hiwa, simula ng bata tayo yun lang ang tangi kong panaginip. humawak sa braso ni Ninja Coollero si Hiwaga, tara na baka mahuli na tayo sa ating pagsasanay. Malumanay na usal ng dalaga.(fade ang erikas ballad habang magkahawak kamay na naglalakad palayo ang magkababata).


"Mange kaywel peyslangeyn ang mange yen", Malamyang sigaw ng isang nilalang na nakaitim na hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki, hirap na hirap mag tagalog ang nasabing nilalalang. Ito ang tagpo sa Parang, kung saan nakatayo ang opisinang tagapamayapa ng kanila bansa. Dito nagtatrabaho ang ama ni Coollero bilang leader ng hukbo. Lubhang napakarami at napakalakas ng pwersa ng mga mananakop. Ilang saglit nalang at mapapasakamay na ng kalaban ang tagumpay. Umipon ng napakalakas na pwersa ang lalaking hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki,  nag ipon ito ng maliliit na bagay kulay puti na tila hugis SimCard, umiikot ikot ito sa buo nyang katawan. Parami ng parami ang  mga ito, at sa isa malumanay na sigaw na: "Mamamatey keyowng lehet" ay sabay sabog naman ng  mga inipong pwersa mula sa kanyang katawan. kumulog, kumidlat... ilang saglit pa ay nakakabinging katahimikan. Pulos usok lang ang matatanaw sa lugar. Mula sa kumpol ng usok ay maaninag ang lalaking nakaitim na hindi mukang DragOn bagkus ay mukang butiki, hihihi brrrr... lamig po...  kumakaway kaway ito at nakangiti...
"Se wekeys negtegampey akyu" hihihihi... hihihihi...sabay post sa camera habang naka peace sign malapit sa muka. Lumakad na palayo ang lalaking nakaitim ngunit hindi mukang DraGon bagkus ay mukang bukiki. hihihi hihihi hihihi hihihi... brrrr... lamig pohh...

"Anu yung usok na yun"?tanong ni Ninja hiwaga kay Ninja Coollero.
napabitiw ang dalawa sa pagkakahawak.
"Hindi ko alam, mukhang doon yun sa gusali kung saan nag tatrabaho ang aking Ama".
"Magmadali tayo", tara!!! Nilagay ng dalawa ang pareho nilang kamay sa likod ng nakaderetso, at bahagyang yumuko at sabay tumakbo.(parang yung takbo ng mga ninja sa isang sikat na cartoons) nagpalipat-lipat sila sa mga puno at halaman. talon dito talon doon. hanggang marating nila ang pinag mumulan ng usok. tumambad sa kanila ang patung patung na bangkay at sunog na katawan. Meron pang isang backhoe ang nakatayo sa gilid, may nakasulat ditong Pag aari ng Gobyerno. wasak!!!  Napaluhod na lang ang sablay na ninja sa nakita... sabay sigaw ng:

Ooooohhhhhhh Hhhhhhhhiiiiiiiinnnnnnnnddddddeeeeeeee... 

habang humahagulgul eh buong higpit syang niyakap ni Ninja Hiwaga.

Maghihiganti ako...mga kampon ng kadiliman...Maghihiganti ako!!!

"ppssstt Gurly" si hiwaga ang tinutukoy ni Ninja Coollero.

"Tama!!!" sagot ni Hiwa.

"Tara uwi na tayo!!! Pagtadtad mo ko ng maskara ng baboy dun, at pag bukas mo ko ng beer"

Bukas na bukas gaganti ako sa mga kampon ng kadiliman...

TAMA!!! si Ninja hiwaga...


itutuloy...







salamat sa Brewrats sa insperasyon.

Saturday, August 7, 2010

MAYABANG NA AKO NGAYON

wooohhhhooooo... nakasama na pala ang pahinang ito sa mala-alamat na site na blog ng pinoy.
ayus, kahit papaano ay nadadagan ng kaunti ang selfsteem at lakas ng loob ko (sana may nabibili nito sa mga tindahan para mabawasan naman ang mga taong tulad kong nakikipag usap sa nuno sa punso). Mejo pwede na akong magyabang sa mga ipis at butiki sa kwarto ko. Minsan kasi badtrip ako dun sa isang ipis na yun, hindi ko naman sya inaano nang aano, ayan tuloy na ano sya, kala ko nga tutulong yung isang butiki eh, naku kung nagkataon ay iihaw ko yun saktong sakto sa erpats kong may hika. Naku patay, baka makasuhan na ako nito ng mga animal rights activist, ang dami pa naman nila ngayon. Napanood ko nga sa TV may tatlong babae nakasuot lang ng dahon pang takip sa kanilang kaselanan, pinaglalaban nila ang karapatan ng ng mga hayup. kung papaano raw ang tamang pag patay sa mga ito. Hala kaso nga ito malamang kung sakali, hindi ko kasi dinasalan o inatangan ang mga bathala ng peste nung bagsakan ko ng tsenelas ang pobreng kuto ng bahay.

Bata lang ang kaya nyo eh!!! susumbong ko kayo sa mama ko,
boses humihikbing bata habang nag pupunas ng uhog. umiyak matapos agawin ng dalawang nakatatandang bata ang kanyang laruang yoyo at pagpasa pasahan ito. 
kala nyo jan, paglaki ko matanda na kayo gaganti ako sa inyo, saisip-isip ng bata.
bagamat ay bata pa at maliit ay wala pa syang lakas ng loob lumaban sa mga ito.

Makalips ang ilang dikada, malaki na ang batang iyon. ngunit wala parin syang lakas ng loob para gumanti sa mga ito. Pero sa kadahilanang nakasali na ang Blog nya sa Blog ng Pinoy e nadagdagan sya ng yabang at lakas ng loob. kaya ayun!!!

LUMABAS ANG MATAPANG!!! 
ANU BINABASA-BASA MO??
MATAPANG KABA??
SQUARE TAYO!!!

Tuesday, August 3, 2010

Tao po




Alam nyo bang kung sino ang mga pinaka mayamang tao sa lupa?

Ang mga taong grasa.

Bakit?

Dahil meron silang sari-sariling mundo. 

* * *

Kaya kung makikita mo ang isang kaibigan mo na nakatulala at tila ang lalim ng iniisip,

e wag mong istorbohin,

malamang nagpapayaman yun.

Gumagawa ng sariling mundo.





FlipFlop

Kung ikaw ay isang taong halos matulog na sa harapan ng computer, ay malamang nakita/narinig mo na ang Fliptop. Isang kompitisyon ng mga Pilipinong rapper, na kung saan ay may dalawang lalake ang nagtutunggali sa pamamagitan ng pag lapastangan at pag yurak sa pag katao ng katunggali. Isang minutong oramismong paggawa ng mga lirikong hindi mo maririnig sa mga normal na nilalang. Hindi ko maintindahan kung bakit nila kailangan gawin ang mga ito. Gayung magkakapareho naman sila ng mga interes at gawa. At pare-pareho naman silang mga manglilikha ng musika. haayyy....

subukan ko nga gumawa ng mga ginagawa nila??? TAMA!!!



Isang Minuto, Isang minuto.





 Isang kamera, dalawang tanga

napaliligiran ng mga fans ni vice ganda.



Anung fliptop fliptop ang pinagsasabi nyo?

mga muka kayong gagu mga bobo.

Kulturang negro ginagaya nyo,

Mga wala kayung kwenta pare ko.



Pataasan ng pataasan ng ihi

e pare-pareho naman kayong walang tite.



Putak ng Putak wala namang utak nakakatopak.

para kayong mga uwak na walang pakpak. Fuck!!!



Kainan ng kainan hindi ko maintindihan

ang mga banat nyong wala namang laman.



Sigawan ng sigawan banat dito't banat jan.

Oo nga naman mas malakas nga naman ang tunog ng latang walang laman.




Teka teka. di ba't magkakapatid kayo sa larangan ng musika.

Pero bakit nagwawasakan kayo sa ngalan ng pera.



Mga hangal bakit hindi kayo magdasal ng magkaroon ng asal.

Nang hindi kayo mag mukang askal at pusakal na sal sal ng sal sal



Matindi ako labas ugat nilang banat

mga walang binatbat.

Pag hahambalusin ko kayo ng baseball bat.



Mga ungas!

kahit sa pang labas ay wala kayong angas

para kayong itlog na walang hugas.



Hudas barabas hestas

kamyas peras bedras

kamagong ding dong?

Pre di ako kumakain nun.



Howlie siyehhht...



Pasensya na kayo at nagawa ko to.

hindi ako rapper rakista ako

break it down yoooww!!!



Malabong kwento ng Malabong Channel


 Highschool ako noon nung unang napadaan ang talapihitan ng telebisyon namin sa nasabing malabong channel. Hapon noon at ini-iin ko pa ang aking sarili (naks ang lalim ng tagalog. Ang Ini-iin nga pala ay isang yugto sa pag sasaing ng kanin na kung saan hinihinaan ang apoy nito para umalsa ang bigas) galing sa matinding pakikipag buno ng utak sa paaralan, kung meron man. Walang tao sa bahay sa mga ganitong oras. Ito rin ang ilan sa kakaunting oras na wala akong kaagaw sa Remote Control ng TV. Lapag ng bag sa upuan, tanggal ng sapatos at uniperme, Punta sa kusina para magluto ng paburitong meryenda ng aking henerasyon, ang Pancit canton,(NOTE: plain palang ang flavor ng nasabing pancit noon). Habang hinihintay kumulo ang tubig na pag lulutuan ng kulot kulot na pag kain, ay halos automatiko na ang galaw ko para buksan ang telebisyon. Palibhasay nabibilang sa mga maralitang taga lungsod ang aking pamilya, ay malamang at sa malamang wala kaming cable. Mag titiis ka sa kakaunting putahe ng mga palabas. Kung hindi ka "belong" e "sarimanok ka malamang. Wala pang kapuso’t kapamilya noon.




Merong din namang alternatibong himpilan dati na pag aari at pinapatakbo yata ng gobyerno. Pero mukang naghihirap nga talaga ata ang gobyerno ng Pilipinas noon, at pinahintulutan na nilang magbenta ng kung anu anung pang palaki, pang pataas, pang palakas, pang patigas na prudokto sa pambansang telebisyon. Ang matindi pa nito ay hindi ay hindi nauubusan ng offer ang palabas, laging "BUT WAIT THERE'S MORE!!!" hayysss nga naman talaga dagdag kita nga naman ng gobyerno yun, Para hindi na sila umasa lang sa Jueteng collections nung mga panahong un. At may pang dag-dag pa silang pondong pang bili ng bala para pulbusin ang ABU SAYAFF.
  



Ayus Biyernes pala ngayon. Isa sa mga channel ng gubyerno ang nagpapalabas ng pinaka Paburitong larong pang palakasan ng mga Pinoy. Ang Basketbol, Na hindi ko nga rin maintindihan kung bakit nagpupumilit tayong mga pinoy magpalakas sa nasabing laro, e halos bilang sa ating mga manlalaro ang umaabot sa kilikili ni O'neal. Siguro isa na ito sa maraming naiwang impluwensya ng Imperyalistang bansang sumakop satin dati. Ayus lamang pala San Miguel ko tambak ang Ginebra. nyahahaha..XD Sana tumama ako sa ending...(sign of the cross).


Nilipat ko na ang TV este channel pala, nang nakita kong tapos na ang laro ng aking paburitong koponan at nagwagi.(hindi nga lang tumama sa ending sayang naman =C ).



Whhhaaattts uuupp Mr. PPPIIIGGG...(sigaw ng isang lalaking tila natuyuan ng plema ang lalamunan sa pag sigaw).


Wohooo... sakto isang napaka epikong kanta ang bumungad sa akin nang matapat sa channel 41 MTV channel, palibhasay mag isa lang sa bahay ay nag ssslam akong sumayaw sa saliw ng napakadilikadong musika ng Greyhoundz na Mr PIG. Talon dito, head bang dun. ganito ako ka panatiko sa mga ganitong musika dati. RAP metal, metal, altenative ang mga usong tunog noon, wala pang EMO nun... Slapshock, Cheese dati naging Queso wala na ngaun, Chico Science dati Chicosci (EMO kuno) ngaun, Zoom at Battery (yung puti yung vocalista na born again ata). Bye bye bye... Hutaena!!!!@#$%... pag katapos ng isang napaka tahimik na musika ng Greyhoundz, e babanatan agad ng isang napaka ingay na kanta ng Nsync...bye bye bye... na parang boses kambing.!@#$%Dali dali dali ko itong nilipat at baka mabutan pa ako ng mga astig kong kaklase na dating sumayaw sa skwelahan namin ng POP kanta rin ng Nsync, baka sabihin pa nilang pinapraktis ko sa bahay ang mga sinasayaw nila. hehe.. Dati dalawa lang ang trip ng mga kabataan. kung hindi ka “Rockers” ay “Dancers kasama na nito ang mga hiphop”.



Muli kong pinaikot-ikot ang TV este channel ng TV pala, para mag hanap ng interesadong palabas. Ngunit kung hindi balita na puro patayan at bentahan ng lintik na produktong pang palaki ng anu, eh channel naman ng isang malaking relihiyong na nagsasabing sumapi ka samin at ikaw ay maliligtas channel 25. may tatlong myembro ang nag kkwentuhan, ang alam ko ang kanilang pinag uusapan eh yung isang tao na nasa isang channel na "malabo" na dati rin yata nilang myembro. Sabi ni kapatid na ganito ay ganyan, pero ganito ang sabi kapatid na ganyan. wasak!!! mag tamaam ba sa national television? hayyy naku kung ang mga relihiyon nyo lang ang maliligtas sa darating na pag huhukom? eh paano naman yung mga taong nabuhay na bago pa mabuo ang relihiyon nyo? sama nyo naman sila sa pangarap nyo.. peace be with you...V(0,0)V


Teka, naisip ko na para lang maging patas ang aking pag puna sa isang relihiyon, ay sinubukan ko ring panoorin ang kasagutan ng mga nasa kabilang channel. Ang malabong channel ng 37. napaka labo na ng signal ng himpilang ito. halos hirap na akong aninagin ang mga tao sa screen, pero malinaw naman ang boses.





Malate, manila most happening place to be in malate,
Sinundan ng isang musikang nakakaindak, na maririnig mo lang sa mga pilikulang aksyon ni George Stregan Sr dati.


Teka ulit!!! hindi ito ang taong tinutukoy ng mga kaninang pinapanood ko. bagamat tatlo rin ang tao na kasalukuyang nakabakas sa harap ng telebisyon ay lubhang napaka layo ng hitsura ng mga ito. May isang lalake, payat, mahaba ang buhok na nakasalmin at may isang dalagang tila wala sa tamang katinuan. nakadilaw na pang itaas, nakapantalon na pang C.A.T at nakasumbrero ng berde na kadalasang gamit ng mga sikat na komonista. Naka sakay sila sa isang sasakyang hugis pagong (ito yung sasakyan na mababatukan ka kapag nakita ng kaibigan mo. pendong kotseng kuba) volkswagen ata ang tawag dun.Ingles ang salita ng lalaking nakasalamin at mahaba ang buhok. samantalang pawang "TAMA!!!" lamang ang nasasambit ng nasabing dalagang tila wala sa katinuan. paminsan minsan ay may lumalabas na lalaking nakabihis taong grasa. Matangkad naman at payat din ito.


Sa kagustuhang maging malinaw ang pinapanood, Ay sinubukan kong ipaling ang sungay ng telebisyon sa tamang posision Ngunit bigo. Malabo parin ang palabas. Nagkasya na akong umaninag at makinig.


Nagmamaneho ang babae habang panay ang kwento ng lalake tungkol sa matagal na nyang pangarap mag ahit ng kili kili. Tuwang tuwa ang lalake tangan ang lata na naglalaman ng tila “icing” (di ko alam ang tagalong hehe). Mula daw ng nakita nyang ginagamit ito ng kanyang ama, ay naging panaginip na daw nyang masubukan ito.

KAMPON NG KADILIMAN!!! Sambit ng taong grasa.

MAHIHIGANTI AKO. SA MGA KAMPON NG KADILIMAN!!! muli nitong sambit, dahil muntik na syang masagasaan ng nabangit na sasakyan.


Naka uwi na ang lalake at babae. Isinasagawa na ng lalaki ang pag tupad sa kanyang pangarap na
mag ahit ng kilikili. Samantalang kumakain naman ng isang basong yogurt ang babae habang pinapanood ang amo nya.

Kampon ng kadiliman!!! patuloy na sigaw ng taong grasa, habang patuloy na hinahanap ang sasakyang muntik na kumitil ng buhay nya.Inspeksyon dito amoy doon ang kanyang ginagawa sa mga kotseng nakakaharap. May tangan na mansanas na may sumpa ang taong grasa. Inorasyonan nya ito sa pamamagitan ng pag pahid nito sa kanyang kili kili't puwit. Ibibigay ko ito sa mga kampon ng kadiliman bulalas ng taong grasa, kasunod ng hindi kaaya-ayang tawa...bwahahahaha bwahahaha...


Patuloy ang kwento ng lalaki sa babae. naalala daw nya yung mga panahong wala pa siyang pancit canton sa kili kili. ang buong kwento nya ay sa lenguaheng ingles.

TOK TOK TOK TOK TOK...

May tao, sabi nya sa babae. TAMA!!! lamang nasambit nito. binuksan ng babae ang tarangkahan ng kanila tinutuluyan nang bumungad ang isang tao grasang. Sino ka? sambit pa nito.

Ako si Kiether. Ineng pwede pang himinge ng makakain kahit kainti lamang, sapagkat apat na buwan na akong di kimakain at naliligo. bulalas ng taong grasa.

Hawak ang basong may lamang yogurt, ay sya namang abot ng kutsarang ginagamit nya kanina at subo sa taong grasa. nakailang subo din ang taong grasa sa kutsara nya, nang mag pasya ang babae na tigilan na ang pag papakain sa taong grasa't pumasok na. sige salamat sabi ng babae. Sabay sarado ng pinto. di pa man nakakalayo ang babae, ay muli nanamang kumatok ang taong grasa. Muli itong binuksan ng babae. sabay tanong ng kung anung kailangan nya.

Dahil sa iyong pinamalas na ginintuang puso at ganda ng kalooban, ay nais kitang gantimpalaan ng isang mansanas. tinanggap ng babae ang mansanas at sambit ng TAMA!!! muli nyang sinarado ang pinto, ito ay sa saliw ng di kaaya-ayang tawa mula taong grasang nag ngangalang Kiether.

Nasa loob na ng bahay ang babae at muling bumalik sa pakikipag kwentuhan sa amo nya. Saan galing yang mansanas mo? baka galing yan sa taong grasa ha? sabi ng lalaki. hindi ahh akin to, sagot ng babae. pinunas sa kanyang dilaw na damit ang prutas bago lantakan ng kagat. sarap na sarap ang babae sa pag kain sa prutas mula sa taong grasa. Penge naman ako nyan? hirit ng lalaki. Tama!!! mamaya, ang sagot ng babae. halus ubos na ang mansanas nang alukin nya ang lalake. wag nalang tanggi ng amo. TAMA!!! muling sagot ng babae.

ERNING HANDA MO AUTO, (erning pangalan ng babae) sigaw ng kanyang amo.

TAMA!!! habang naka apbrub sign ang kamay ng babae.

Nililinis ng babae ang kotse na parang pinapatong lang ang basahan.

ANU? HANDA NABA ANG AUTO? ang amo nya ulit.

TAMA!!! ang babae ulit.

erning? mag ahit ka nga. sabi ng lalake nang mapansing may tumubong bigote sa babae. sabay talikod sa babae.Hinipo ng babae ang baba ng kangyang ilong, nahawakan nya ang buhok na tumubo doon at sinubukang ahitin. ngutnit kahit ilang beses nyang ulit ulitin ang gawain, ay bumabalik lang ang buhok.







TADO inahit ko na to eh (pangalan ng kanyang amo) tinutukoy ang bigote, sabi ng babae.

Sabi ko naman sayo eh wag mo kainin yung mansanas na galing sa taong grasa eh.

TAMA!!! habang hindi na kaaliwalas ang mukang babae.


ERNING HANDA MO ULIT ANG AUTO.

TAMA!!! (mejo walang lakas na banggit).


Sabay putol ng palabas para sa patalastas....


Wasak! pagkatapos ng ilang minutong panonood o pakikinig nga halos dahil sa sobrang labo ng palabas, ay tila nag iba ang pananaw ko sa panonood ng telebisyon. meron palang ganitong klase ng palabas na napaka simple ngunit kakaiba sa iba. Sa ilang minutong panonood ko ay napabalik ako sa realidad ng buhay na nasa maliliit na bagay ang nakakapag pasaya sa tao. Naisip kong sa pagnanais ng mga ilang pangunahing palabas at himpilan sa Pilipinas mag pagaling at mag pakatotoo, ay lalo silang nag mumukhang peke katawatawa. Simpleng palabas na tumatalakay sa ilang sa mga pinaka simpleng bagay sa buhay. Ngunit nagagawang katawatawa sa kakaibang paraan.


APIR!!! OLRAYT!!!(ang laging panapos sa bawat interview nya sa palabas) ASTIG!!!


Simula noon, lagi na ako sumusubaybay sa show na tila ang lakas ng TAMA!!! Pag kagaling sa eskwela, Pagkatapos mag pa level sa RAGNAROK,makipagbasagan ng base STARCRAFT, makipag balyahan sa basketball o tumambay sa kalya kasama ang mga kapit bahay naming walang damit pang itaas.

Nakatutok din ako sa malabong channel tuwing nag aaral, nagrereview, gumagawa ng assignment. masarap mag sunog ng kilay habang nanonood ng isang ASTIG na SHOW katulad ng "STRANGEBREW"


Teka speaking of nag susunog?

Amoy sunog ha??

Howlie Syet!!! yung niluluto kong Pancit Canton... pak syet!!!...


wasak na wasak!!!



ARNEL AUSTRIA aka Urbankuneho
(july 17 2010)